Search This Blog

29 October 2011

Wenn V. Deramas's "Praybeyt Benjamin" (Rebyu): Tumawa, Tapos Mambara

Use of Non-Free Media
Napakarami nang nanood ng “Praybeyt Benjamin.” Box office hit! Sa isang sinehan sa Quezon City, sold out ang lahat ng screening kahit sa 11 p.m. last full show. Kahangahanga iyon dahil ilinigay sa THX cinema kahit hindi naman pang-THX ang sound ng pelikula. Ang THX cinema kasi ang pinakamakamalaki sa mall kung tinutukoy. Bukod doon, willing na willing ang mga manonood na gumasta ng 200 piso para lang mapanood si Vice Ganda. Mayroon pa ngang dagdag na 11:20 p.m. screening sa isa pa nilang sinehan at napuno pa rin iyon.  Kinabog to the highest level ni Vice Ganda sina Justin Timberlake (In Time), Antonio Banderas (Puss N Boots), Academy Award nominee Jesse Eisenberg (30 Seconds or Less) at kahit ang reyna ng New York fashionistas na si Emmy Award/Screen Actors Guild Award winner Sarah Jessica Parker (How Does She Do It).



At habang nakatayo ako sa pila na lumagpas na sa escalator, narinig ko ang mga kumento ng mga taong lumalabas sa sinehan.

“Surprisingly, nakakatawa sya,” sabi ng isang manonood na lalaki kasama ang kanyang girlfriend habang akbay akbay niya ito.

“Mayaman na si Vice Ganda,” sinabi naman ng isang nanay sa kanyang mga anak na dalagita.
“Nakakaaliw.” Sagot naman ng isang anak.

“Ito ba yung pila sa ‘Praybeyt Benjamin’?” tanong ng isang 20something na maganda, seksi at classy ang pananamit.
“Oo,” sagot naman ng isa sa mga grupo ng teenagers.
“Nakakalurky!” sagot ni seksi classy lady.

At nang nakapasok na kami finally sa sinehan matapos ang mahabang paghihintay, nagsimula na ang pelikula. Napakalakas ng mga tawa ng mga tao; iba’t ibang uri, may ngiti, may ngumisi, may humalakhak na para bang nasa bahay lang, may tawang mala sosyal at taga-Makati, at may tawa ding barako. Enjoy na enjoy to the max and to the highest, and higher than that level ang mga tao. 

“In fairness,” sabi ng isang manonood sa likuran ko, “natawa ako.”
“Kahit walang infairness, nakakatawa sya,” sagot ng kanyang katabi.  Lumingon ako at  nanggaling sa grupo ng mukhang basketbolista ang kumento. Naala ko tuloy si Drew Arellano nung narinig ko siyang ginamit ang salitang “chorva” sa “Balik Bayan” TV show.

In fairness nga naman, nakakatawa ang “Praybeyt Benjamin” sulit ang bayad mo.  Kasi hindi lang ito nakakatawa, marami ka pang kasabay na nasisiyahan dahil sa sandamukal na mga manonood.  Pinoy na pinoy ang experience, parang may fiesta lang at si Vice Ganda ang Reyna Elena.  Hindi na siya Vice, siya na ang number one.  Tabi tabi lang po Shamcey Supsup.  Kaya, rekomendado ko ang “Praybeyt Benjamin,” manood ka. Ito ang uri ng pelikula na mas magiging kumpleto ang saya kapag napakarami ang nanonood.  Bukod dito, yayabong ang industriya ng pelikulang Pilipino at maari na nating tapatan ang mga Hollywood films.  Higit sa lahat, mahahasa mo ang “Art of Pambabara” courtesy of Vice Ganda.

Matapos kong matawa, inisip ko kung bakit ako natawa. (“Naku, nag-isip na naman.” “Sorry kaya nga sinabing kritiko, kailangang mag-isip. Umayos ka nga!

May mga biro ang pelikula na talagang purong komedya. Natural na matuwa sa slapstick. Nagawa na iyan nila Charlie Chaplin, Dolphy at Mr. Bean a.k.a Rowan Atkinson.  Hindi rin sineryoso ng mga aktor, aktres, scriptwriter at director ang pelikula kung kayat may mga eksena na sinasama nila sa biro ang manonood.  Kung baga, pinapaalam sa atin na, “Hoy, pelikula lang ito. Huwag masyado mag-isip o magseryoso. Enjoy lang.” Kaya nga hit ang mga pelikulang tulad ng “Praybeyt Benjamin” kasi pagod na tayong mga Pinoy sa kaiisip ng problema. At dahil si Vice Ganda din ang bida, kahit ano mang kababawan, nipis ng script, kakulangan sa direksyon, deadma kasi si Vice Ganda naman ang nagdadala ng pelikula. Base sa dami ng kita, nakuha na ni Vice ang “approval” ng mga tao, from A to E, may nagsasabing from B to E muna.

May isang matandang propesor ang nagsabi sa akin dati, “Tumawa ka. Okay lang.  Pero dapat mo rin malaman kung bakit ka natawa sapagkat ang katatawanan ay nakadugtong sa ating paniniwala na nakabaon sa pinaka-ilalim ng ating pag-iisip at puso, sobrang lalim na hindi na natin namamalayan.”  (Prop, kasama ba iyan sa coverage sa test?) …

Kapag may mukhang negro, at ginamit syang biro-biro, “mukha kang taga Africa, Miss Angola. Ha ha ha.” Natatawa tayo. May ibig sabihin ba iyon?  Natatawa ba tayo kapag sinabi natin, “si Gerard Anderson, mukhang Amerikano. Ha ha ha ha.”

Ano-anu ba ang tinawanan ko sa “Praybety Benjamin?” Binilang ko, pagkatapos inisip kung bakit. Tapos, bigla kong naramdaman na gusto kong mambara ng tao.  Duon ko rin naintindihan kung bakit nambabara si Vice Ganda.  Malalim at radikal pala ang “Praybeyt Benjamin.”  Matalino at ibang uri pala ng rebolusyonaryo si Vice Ganda. Kung alam ng mga gumawa ng “Praybeyt Benjamin” at mismong si Vice Ganda kung ano ang kanilang ginawa, “ang gagaling nyo” o “ang gagaling nyo.” (Bahala na kayo sa paraan ng pagbigkas)

Nung paglabas na paglabas ko sa sinehan, naka “Vice Ganda Mambabara Setting” na ako.  Biglang nakita ako nang isang former co-worker at tuwang-tuwang nagtanong, “Uy! Nanood ka ng Praybeyt Benjamin?” Gusto ko sanang sabihin, “Hindi, pumasok lang ako para mag  plantsa. Malamig kasi dun.” Pero pinigil ko ang sarili at sinabi na. “Oo.”

2/5
At habang pababa na ako sa escalator, sana may magtanong sa akin uli na “Maganda ba yung pelikula. Nakakatawa?” Kasi sasabihin ko, “Hindi ubod ng pangit at lungkot. Kaya nga sold out at mahaba ang pila kasi, mahilig tayo sa pangit at malungkot na komedi.” Ma-gets kaya niya kung nambabara ako o hindi.

Ah basta, may Part 2 naman ang pelikulang ito.

Unsolicited Advice para kay Vice Ganda:  Ngayong malaki na ang iyong kinikita, at maraming Pinoy ang sumusuporta sa iyo, kasama na me, subukan mong suportahan ang mga magagandang independent films, magproduce tulad ng ginawa ni Nora Aunor noong dekada 70. Matalino ka at siguro hindi ganun kadali ang pagpasok mo sa industriya. Ano sa iyong palagay?

No comments:

Post a Comment

DISCLAIMER
The other contributing writers and members of this publication and our advertisers do not necessarily share the opinions of the writer of the article above. (Hindi nangangahulugan na sang-ayon ang mga ibang manunulat, miyembro ng babasahing ito at aming advertisers sa mga opiniyon ng may akda ng sanaysay na nakasulat sa itaas)

COMMENTS POLICY
Brun Philippines encourages readers to focus solely on the issues when commenting or criticizing. We do not allow foul language and personal attacks on any individuals. You may only comment on a public person’s beliefs and actions. We strictly screen people who will leave comments, and only comments from readers with full names will be posted. Freedom of speech also includes responsibility. We want to weed out the buffoons from the critical and freethinkers. Thanks so much.

(Hinihikayat ng “Teapot” (Tsarera) ang mga mambabasa na tumutok lamang sa mga isyung pinag-uusapan sa pagkomento o pagpuna. Hindi namin pinapayagan ang napakaruming wika at personal na pag-atake sa sinumang indibidwal. Maari lamang punahin ang aksiyon at paniniwala ng isang publikong indibidwal. Istrikto naming sinasala ang mga taong nagkokomento at tanging ang mga komento mula sa mambabasa na ginagamit ang buong pangalan ang aming ipapaskil. Kaakibat din ng kalayaan sa pananalita ang responsibilidad. Gusto naming alisin ang mga luko-luko mula sa kritikal at malayang mag-isip. Maraming salamat po.)

Follow by Email

NEVER AGAIN!

NEVER AGAIN!
Brun Philippines joins the nation in remembering the evils of Martial Law and the fight to bring to justice those who are responsible for the human rights violations and other atrocities committed

WHO DID OUR READERS CHOOSE?

WHO DID OUR READERS CHOOSE?
Click banner above to see full list of winners