Search This Blog

07 April 2012

Mga 'Useful Tips' Bago Maglakbay (Mula sa Mga Biyaherong Kulang sa Budget)


HUWAG MA-IMPRESS 
SA WEB SITE
Mapanlinlang ang mga litrato. Akala mo na napakaganda ng lugar, yun pala, ibang bahagi lang ang maganda.  Alalahanin na sa mahusay na photographer, napapaganda ang pangit at naitatago ang pangit.  Ang maliit ay napapalaki.  Alamin din kung bago ang mga pictures sa web site.  Tingnan din ang latest entry sa website. Kung lumang luma na, ibig sabihin baka hindi na reliable ang mga inpormasyon.


MAGTANONG SA MGA NAKAPUNTA NA SA LUGAR, HINDI LANG SA MAY-ARI NG RESORT
Bottomline, negosyante ang mga resort owners; siyempre hindi mo sila masisi.  Karamihan ay matapat pero mas mainam talaga na may makausap kayong nakapunta na sa lugar para maiwasan ang problema o ang mga hidden cost.  Sila rin magsasabi sa inyo kung talagang “must-see” ang isang lugar o “hype” lang. 

BUMAYE NG MARAMI
Kapag mas marami kayo, mas masaya at mas matipid.  Mas ligtas din at mas hindi kayo basta basta maloloko dahil marami silang kakalabanin.  Hindi lang iyon, kapag hindi nakisama ang panahon sa inyo, kasama ninyo pa rin ang isa’t isa. Tuloy pa rin ang saya.  Minsan, binagyo kami sa beach, pero tuloy pa rin ang saya, takbuhan sa beach at tawanan. Na mini-tsunami pa kami sa lakas ng alon, pero  tawanan pa rin kahit nadapa ang lahat.

ALAMIN ANG “UNSPOKEN DANGERS”
May mga lugar na delikado, pero hindi pinagsasabi ng mga tagaroon.  Sa aming experience, lahat ng aming napuntahan ay ligtas.  Importante lang na alam mo yung mga peligrosong lugar o sitwasyon para maiwasan. Huwag mong ilagay ang sarili sa sitwasyong maari kang malagay sa panganib. Ngayon kung gusto mo ng gulo, bahala ka sa buhay mo!, Magsolo ka! Bwisit! Idadamay mo pa kami!

MAG-INGAT SA HIDDEN COST
Sa aming experience, nakakabuwisit talaga kapag bigla na lang may bayad.  Hihiram ka ng plato, may bayad.  Mag-ba-barbeque ka, may bayad ang gamit.  Mag-charge ka ng cell phone o camera, may bayad. Ate, maybayad ba kapag hihinga kami?

Ingat din sa mga corkage fee kuno.  Kung may corkage fee sa drinks, alamin kung magkano naman ang bentahan sa kanila, minsan sobrang mahal sa resort.  Kung makakatipid pa rin kayo kung magdadala kayo ng drinks at pagkain kahit mababayad kayo ng corkage fee, pwes, magbayad ng corkage fee.  Pero kung mataas ang corkage fee, at overpriced ang bilihin, baka mag-hanap na lang ng ibang resort.

MGA Qs na DAPAT ma-ASK
Naghanda kami ng mga ilang importantent tanong.  Sana makatulong ito. Higit sa lahat, laging maging magalang sa pagtatanong pero magpakita rin na hindi kayo basta basta maloloko.  Mag-ingat sa sasabihin.  Magkaroon ng isang salita. Honor your commitments para walang masabi ang resort owners. 
  1. Magkano po per room, 10 po kami
  2. Paano kapag “for 10 people” lang yung room pero 12 kami, pwede ba sa isang room na lang kami? Maiiba ang presyo?
  3. Anong oras ang check in time, paano kung maaga kami nakarating?
  4. Anong oras ang check out time, magkano po ang extension, per hour ba?
  5. Pwede ba magluto?
  6. Pwede ba magdala ng drinks? Alcohol?
  7. Pwede ba mag-inuman?
  8. Pwede ba magyosi?
  9. Saan po pwedeng kumain?
  10. Saan po pwede uminom? Okay ba sa room o may designated area?
  11. May pinahihiram po ba kayong plato, baso, kutsara, tinidor, kalan, kawali at iba pa? May bayad ba?
  12. May Karoake po kayo? Magkano bayad?
  13. May cut-off time ba sa paggamit ng Karaoke, hangang anung oras lang?
  14. May malapit po bang sari-sari store o iba pang tindahan?
  15. May iba po bang corkage fees?
  16. Paano po kapag nag-cancel kami, ano po ang policy ninyo?
  17. Paano po kung umuwi kami ng maaga, ano po ang policy?
  18. Kasama po ba sa bayad yung paggamit sa swimming pool?
  19. May pick-up service ba? May bayad po? Magkano po?
  20. Marami po bang gwapo dito?
  21. Marami po bang magagandang babae?
Ilang lang iyan sa mga tanong. Baka mayroon pa kayong ibang maisip. Share share. Magtulungan tayong mga breadwinners at budjeteras.

Maraming Salamat Po,
Ang Magastos ay ang Maarte hindi ang Masayahin
Hindi lahat ng Sosyal ay Magastos, Hindi Lahat ng Magastos ay Sosyal

No comments:

Post a Comment

DISCLAIMER
The other contributing writers and members of this publication and our advertisers do not necessarily share the opinions of the writer of the article above. (Hindi nangangahulugan na sang-ayon ang mga ibang manunulat, miyembro ng babasahing ito at aming advertisers sa mga opiniyon ng may akda ng sanaysay na nakasulat sa itaas)

COMMENTS POLICY
Brun Philippines encourages readers to focus solely on the issues when commenting or criticizing. We do not allow foul language and personal attacks on any individuals. You may only comment on a public person’s beliefs and actions. We strictly screen people who will leave comments, and only comments from readers with full names will be posted. Freedom of speech also includes responsibility. We want to weed out the buffoons from the critical and freethinkers. Thanks so much.

(Hinihikayat ng “Teapot” (Tsarera) ang mga mambabasa na tumutok lamang sa mga isyung pinag-uusapan sa pagkomento o pagpuna. Hindi namin pinapayagan ang napakaruming wika at personal na pag-atake sa sinumang indibidwal. Maari lamang punahin ang aksiyon at paniniwala ng isang publikong indibidwal. Istrikto naming sinasala ang mga taong nagkokomento at tanging ang mga komento mula sa mambabasa na ginagamit ang buong pangalan ang aming ipapaskil. Kaakibat din ng kalayaan sa pananalita ang responsibilidad. Gusto naming alisin ang mga luko-luko mula sa kritikal at malayang mag-isip. Maraming salamat po.)

Follow by Email

NEVER AGAIN!

NEVER AGAIN!
Brun Philippines joins the nation in remembering the evils of Martial Law and the fight to bring to justice those who are responsible for the human rights violations and other atrocities committed

WHO DID OUR READERS CHOOSE?

WHO DID OUR READERS CHOOSE?
Click banner above to see full list of winners