Search This Blog

14 June 2012

Joyce Bernal's "Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme" (Rebyu): Iniba ang Kakiyemihan

Umpisahan na! Mas maganda ba ang Kimmy Dora and the  Temple of Kiyeme kaysa sa Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme?  Tulad ng kadalasan, siyempre mas maganda ang orihinal subalit hindi ka naman manghihinayang sa Kimmy Dora 2 dahil lahat ng mga elemento na nagpaganda sa unang pelikula ay makikita sa bagong pelikula at may dagdag pa.  May eksena rin na tulad ng hindi makalimutang eksena sa Kimmy Dora 1 kung saan nakita ni Kimmy na magkapareho sila ng suot ng kaniyang empleyado. Pero sa  Kimmy Dora 2, mas pinalawak ang biro.  Panoorin na lang ninyo. 

Ang pinakamalaking dagdag sa Kimmy Dora franchise ay ang pera.  Malaki ang budget ng Kimmy Dora 2 at dahil dito talagang todo bigay ang lahat, walang tinipid. Damang dama mo ang kayamanan ng Go Dong Hae Family, mula sa mala-palasyong bahay, napakalaking limousine at mga mamahalin at marangyang mga damit ni Kimmy at Dora.  Hindi rin nakakainis ang paglalakbay nila Timog Korea.  Para bagang isang napakatanyag na “Asian superstar” si Eugene Domingo at hindi dapat tipirin ang kaniyang shooting sa isang “first world country.”  Ang sunod na tanong. Kamusta naman ang kwento? Baligho o absurd sa wikang Inggles, ngunit iyon naman ang patok sa Kimmy Dora.  Sa mga maraming naghintay sa karugtong ng Kimmy Dora, nakakagulat na horror comedy ang piniling tema nang bagong pelikula subalit ito ay dapat asahan sapagkat iyon nga ang kagandahan ng pelikula, unpredictable.


Delikado nga lang ang piliin ang ganitong tema lalo na sa komedyang Pilipino sapagkat may posibleng maging mababaw ang pagpapatawa at matulad na lang sa mga napakaraming walang kalutay-lutay na mga horror comedy na dating ginagawa nila Tito, Vic and Joey at iba pa.  Subalit, may dalawang alas ang Kimmy Dora

Use of Non-Free Media 
Rationale. Click Here
Ang una ay si Direktor at Binibining Joyce Bernal. Kalimitan ay nakakalimutan natin na ang husay ng direktor ang napapaganda ng isang komedya.  Bihasa si Bb. Bernal sa sa pagsasalaysay at editing.  Mahusay niyang pinagtagpi-tagpi ang mga tagpo para hindi magkaroon nang mga esksenang nakakabato.  Tulad ng Kimmy Dora 1, tama ang pagkakasunod ng mga eksena kung kaya’t, bawat biro ay binibigyan lamang nang sapat na minuto at sinunod na kaagad sa bagong eksena. Mas mahusay niya itong nagawa sa Kimmy Dora 1.  Bukod duon, kahit minsan ay natutuon sa sobrang slapstick na ang pagpapatawa, hindi pa ring binibitawan ang kwento. Hindi sinakripisyo ang kabuang kwento para lang magsingit ng mga biro.  Dahil babaeng director si Bb. Bernal, ang pelikula ay hindi nahaluan ng mga birong may pang-aalispusta sa babae, maiitim, bakla, lesbiyana o anu pa mang minoridad.  Kahit nga si Elena na may nakakatawang puntong Bisaya, hindi siya nababatukan. Isa siya lamang sa napakaraming supporting cast.  Pantay ang kaniyang antas sa lahat. Ang magandang assistant pa nga na si  Gertrude ang nagmukhang naapi dahil nasisipa at nasisigawan. Pero siyempre naman, lahat ay kabog kay Kimmy kahit doktor o si Senator Estrada ka pa.

Ang ikalawang alas ay si Eugene Domingo. Tulad ng dati, nahatak ni Domingo ang iba’t ibang uri nang tao.  Habang nakapila ako sa sinehan, pinagmasdan ko ang mga taong lumalabas na humahalaklak. Mayroon sosyalerang mamahalin ang high heels, mga rich boys and girls with their gadgets, may buong pamilya kasama ang mga batang anak, mga barako, mga office girls, mga estudyante, mga matantandang tila matataas ang pwesto sa trabaho base sa kanilang itsura, mga college professors, mga bakla, mga katatapos pa lang magtrabaho sa mall kasi nakauniporme pa.  Mahusay na komedyante si Domingo pero nagayon, masasabi mo na may karisma na siya sa mga manonood.  Si Eugene Domingo ang aming unang naging dahilan para panoorin ang Kimmy Dora 1, matapos naming siyang napanood sa maraming pelikula kung saan ay ilang beses siyang nagnanakaw ng eksena bilang isang supporting character.  Sabi nga nang isang kakilala, “Kay Uge, nakaka-relate ako.  Ako si Uge.  Kung sumikat siya, pwede rin ako. Hindi lang ang mestisuhin ang laging bida. Talento at husay ang magpapatagal sa iyo.” Si Uge ba ang comedy-version ni Nora Aunor?

Para sa akin, angat pa rin ang Kimmy Dora 1 sapagkat kakaiba ang pelikulang iyon. Nakakatawa pero hindi ka ginagawang bobo. Dagdag pa, pinatunayan ng Kimmy Dora 1 na hindi kailangang mababaw ang komedya dahil matalino naman ang Pilipino. Bukod sa lahat, pinatunayan din na talento ang pinakamahalagang sangkap sa isang magandang pelikula. Sa Kimmy Dora 1, nasa tugatog ng kahusayan sina Direktor Joyce Bernal, manunulat na Chris Martinez at si Eugene Domingo.   Ang Kimmy Dora 2 ay isa lamang bonus sa ating lahat.  

At higit sa lahat, huwag masyadong seryosohin ang pelikulang ito, dahil sa aking hinala, may creator(s)' "inside joke" dito, with the inconsistent fake British and American accent, and a mini-Shakespearean-like scene.  There's nothing rotten in the State of Go Dong Hae but...

Kung ako ang tatanungin, ito na dapat ang huling Kimmy Dora kahit tone-toneladng salapi pa ang kitain nito.  Sigurado akong makapag-iisip naman ng bagong “intelligent comedy” sina Bernal, Martinez at Domingo.  Ika nga sa Inggles, “it is better to quit at the top.”

Sapagkat kapag pumalpak kayo, “You are sooooooooooooooo fired!” 

PINAKAPABORITONG PANIPI
Kimmy: "That sound, that horrid sound. Make it stop!"

Mukhang mapapabilang na si Eugene Domingo [a.k.a  Kimmy, at salamat sa panulat ni Chris Martinez] sa hanay ng mga batikang tao na gumamit ng salitang “horrid.”
  • [Your] horrid image doth unfix my hair (William Shakespeare)
  • horrid alcoholic explosion scatters all my good intentions like bits of limbs and clothes over the doorsteps and into the saloon bars of the tawdriest pubs [Dylan Thomas]
  • Money's a horrid thing to follow, but a charming thing to meet.
  • (Henry James)
3/5

No comments:

Post a Comment

DISCLAIMER
The other contributing writers and members of this publication and our advertisers do not necessarily share the opinions of the writer of the article above. (Hindi nangangahulugan na sang-ayon ang mga ibang manunulat, miyembro ng babasahing ito at aming advertisers sa mga opiniyon ng may akda ng sanaysay na nakasulat sa itaas)

COMMENTS POLICY
Brun Philippines encourages readers to focus solely on the issues when commenting or criticizing. We do not allow foul language and personal attacks on any individuals. You may only comment on a public person’s beliefs and actions. We strictly screen people who will leave comments, and only comments from readers with full names will be posted. Freedom of speech also includes responsibility. We want to weed out the buffoons from the critical and freethinkers. Thanks so much.

(Hinihikayat ng “Teapot” (Tsarera) ang mga mambabasa na tumutok lamang sa mga isyung pinag-uusapan sa pagkomento o pagpuna. Hindi namin pinapayagan ang napakaruming wika at personal na pag-atake sa sinumang indibidwal. Maari lamang punahin ang aksiyon at paniniwala ng isang publikong indibidwal. Istrikto naming sinasala ang mga taong nagkokomento at tanging ang mga komento mula sa mambabasa na ginagamit ang buong pangalan ang aming ipapaskil. Kaakibat din ng kalayaan sa pananalita ang responsibilidad. Gusto naming alisin ang mga luko-luko mula sa kritikal at malayang mag-isip. Maraming salamat po.)

Follow by Email

NEVER AGAIN!

NEVER AGAIN!
Brun Philippines joins the nation in remembering the evils of Martial Law and the fight to bring to justice those who are responsible for the human rights violations and other atrocities committed

WHO DID OUR READERS CHOOSE?

WHO DID OUR READERS CHOOSE?
Click banner above to see full list of winners