Search This Blog

05 August 2012

Chito Roño’s “The Healing” (Rebyu): Gusto Lang Bang Manakot?


*Nai-update Agosto 11, 2012

Isang nakakatakot at nakakalibang na pelikula ang “The Healing” ni Chito Roño, ngunit hindi ito matatawag na groundbreaking tulad ng “The Others” ni Alejandro Amenábar o ng “Ring” ni Hideo Nakata.   Sa mga taong marami nang nakapanood ng horror, mabilis nilang matatanto ang pattern na sinusunod ng pelikula.  Walang masyadong maaasahang twist.  Subalit hindi rin nakakapanghinayang panoorin ang “The Healing.” Sa katunayan ay irerekomenda ko pa nga ito sa lahat. Sa maraming pelikulang Pilipinong horror na pinapalabas kada taon, mas maayos ang direksyon ni Roño.  Bukod duon, hindi makakaila na ang ganitong tema ng horror ang kinagigiliwan ng mga manonood na Pilipino.



Kulay lamang ba? Mula puti, 
asul, pula, at dilaw. Use of 
Non-Free Media Rationale. 
Click Here
Subalit ang manakot lang ba ang intensiyon ng pelikula?  Nagkataon lang ba na pare-pareho ang kulay ng mga damit ng mga karakter sa mga ilang eksana? Nagkataon rin ba ang prominenteng paggamit ni Roño ng kulay dilaw, lalong-lalo na sa karakter na ginampanan ni Vilma Santos sa huling banda ng pelikula. Isa lamang bang disenyo ang paggamit ng kulay na ito, mula sa kulay ng damit, kurtina, inumin at pati na rin plastic?  May ilang nakapansin na may “Cory Aquino” look ang karakter ni Santos?  May ibig sabihin ba ito? Isa lamang bang pintuho o homage sa “Himala” ni Ishmael Bernal na Elsa rin ang pangalan ng faith healer?  Bakit nakasuot ng puting shirt na may mapa ng Pilipinas ang  isang maysakit na ginagamot sa umpisa ng pelikula? Bakit ang mga ibang tauhan sa pelikula ay tila ata kumakatawan sa iba’t ibang grupo sa lipunang Pilipino: ang mag-asawa at ang kanilang anak, isang pulis, mga ilang katutubong Pilipino, isang OFW, isang single mother at ang kaniyang anak na may kapansanan, dalawang homosekswal at iba pa. May napansin ba kayo sa paraan nang pagsaksak sa karakter ni Santos? Ang color scheme ay isa lang bang leitmotif?

Ang pinakamadaling paraan para mapaliwanag ang kulay at mensahe ng pelikula ay kung ibabatay ang lahat sa "Color Theory." Ito ay isang teorya sa sining kung saan ang paggamit at pagpapalit-palit ng kulay ay isang sinyales o pagpapahiwatig ng panibagong estado o pakiramdam. 

Kung temang emosyonal lang ang pag-uusapan, ang kulay puti ay kulay ng debosyon. Ang asul ay pagtitiwala at ang pula ay panganib at karahasan. Ang kulay dilaw ay nagpapahiwatig ng mga kumplikadong pakiramdam na maaring magsimula sa pagtataksil, pagkaduwag na mauuwi sa pagkamulat o "enlightenment" sa wikang Ingles. Tugmang-tugma ang mga nangyayari sa pelikula sa uri ng kulay na ginamit. Halimbawa, nang isa-isang namamatay ang mga karakter, prominente ang kulay pula sa lugar, sa pananamit at iba pa.

Sa temang politikal, ang puti ay kumakatawan sa panahong ang Simbahang Katoliko ang nag-aaruga sa mga mamamayan. Ang asul ay ang mga administrasyong bago magkaroon ng Batas Militar. Ang pula ay ang pamahalaan ni Marcos mula Batas Militar hanggang siya ay napatalsik noong 1986. Sa huli, ang dilaw ay ang administrasyon ni Cory. Sa halos dalawang oras, napakita sa pamamagitan ng paggamit ng "horror genre" ang kapabayaan ng mga pamahalaan sa mga ordinaryong Pilipino. Kahit noong pamahalaang Aquino, hindi ganoong matagumpay ang administrasyon. Ang hindi pagsupil ng karakter ni Santos sa tunay na mamamatay ay isang indikasyon nito.  

Marahil kaya sumusobra lang ang aking pagsusuri sa pelikulang ito? Suma total, ang interpretasyon ay nasa manonood na. Noong ikadalawampung siglo pa ang konseptong dapat may iisang ibig sabihin ang isang pelikula o nobela.  Kayo, ano ang interpretasyon ninyo?
(RATING: 3/5)

P.S. Salamat sa mga nagtama ng mga mali kong pangungusap.

No comments:

Post a Comment

DISCLAIMER
The other contributing writers and members of this publication and our advertisers do not necessarily share the opinions of the writer of the article above. (Hindi nangangahulugan na sang-ayon ang mga ibang manunulat, miyembro ng babasahing ito at aming advertisers sa mga opiniyon ng may akda ng sanaysay na nakasulat sa itaas)

COMMENTS POLICY
Brun Philippines encourages readers to focus solely on the issues when commenting or criticizing. We do not allow foul language and personal attacks on any individuals. You may only comment on a public person’s beliefs and actions. We strictly screen people who will leave comments, and only comments from readers with full names will be posted. Freedom of speech also includes responsibility. We want to weed out the buffoons from the critical and freethinkers. Thanks so much.

(Hinihikayat ng “Teapot” (Tsarera) ang mga mambabasa na tumutok lamang sa mga isyung pinag-uusapan sa pagkomento o pagpuna. Hindi namin pinapayagan ang napakaruming wika at personal na pag-atake sa sinumang indibidwal. Maari lamang punahin ang aksiyon at paniniwala ng isang publikong indibidwal. Istrikto naming sinasala ang mga taong nagkokomento at tanging ang mga komento mula sa mambabasa na ginagamit ang buong pangalan ang aming ipapaskil. Kaakibat din ng kalayaan sa pananalita ang responsibilidad. Gusto naming alisin ang mga luko-luko mula sa kritikal at malayang mag-isip. Maraming salamat po.)

Follow by Email

NEVER AGAIN!

NEVER AGAIN!
Brun Philippines joins the nation in remembering the evils of Martial Law and the fight to bring to justice those who are responsible for the human rights violations and other atrocities committed

WHO DID OUR READERS CHOOSE?

WHO DID OUR READERS CHOOSE?
Click banner above to see full list of winners