Search This Blog

25 December 2012

Brillante Ma. Mendoza's "Thy Womb" (Rebyu): "Mga Dahilan Kung Bakit Hindi Papatok sa Takilya"

Use of Non-Free Media
Rationale. Click Here
Hindi mo masasabi na komersyal ang bagong pelikula ni Brillante Ma. Mendoza na “Thy Womb” (Sinapupunan).

Una, sa bansang karamihan ay Kristiyano, sino ba ang interesado sa buhay ng hindi Kristiyano? Nanonood lang ata tayo ng pelikulang may Muslim kapag ito ay isang action movie na tinatampukan ni Robin Padilla o Fernando Poe, Jr.

Ikalawa, kakaunti lang ang makaka-ugnay sa kwento ng isang babaeng baog na masikap na naghahanap ng bagong kabiyak para sa kaniyang asawa para lamang magkaroon ito ng anak.


Ikatlo, sino ba ang may tiyaga pang manood na naman ng pelikula ni Mendoza?  Malamig ang pagtanggap ng mga manonood at mga kritiko sa kaniyang huling obra na “Captive.” Bukod dito, kahit anu pa mang gantimpalang matamo ni Mendoza sa ibang bansa, hindi pa rin niya matalo-talo ang “utak talangka” ng industriya.

Ikaapat, sikat pa ba si Nora Aunor?  Hindi tinatanngi ng karamihan na isang mahusay na alagad ng sining si Bb. Aunor subalit lipas na ang panahon ng dating Superstar.  Sa kasikatan ni Aunor, ang mga pelikulang tulad ng “Himala” ang pumapatok sa takilya, subalit sa panahong ito, ang pelikulang tulad ng “Praybeyt Benjamin,” “No Other Woman,” Sisteraka,” at ang walang katapusang serye ni “Enteng Kabisote” ang patok sa takilya.  Hindi ang mga tulad ni Aunor ang sikat ngayon, ang mga mestisahing tulad nila Bea Alonzo, Marian Rivera, Richard Gutierez at Gerard Anderson ang bida.

Ikalima, mukhang Pilipino ang lahat ng artista sa pelikula, kahit si Lovi Poe.  Wala akong nakitang artistang mukhnag taga Mexico o Estados Unidos. Alam mo naman ang Pinoy, mahilig sa mapuputi.  

Ikaanim, nagustuhan ko ang pelikula.  Base sa aking karanasan, kapag nagustuhan ko ang pelikula, lugi ito sa takilya. Bibihira lang ata ang pelikulang nagustuhan ko na kumita sa takilya Pinakahuli na ata ang “Lord of the Rings” Trilogy.

Ang tanong: Dapat ba nating panoorin ang “Thy Womb?” Sagot, bahala ka. 

Kakaibang Estilo:
4/5

Kung pumalpak si Brillante sa estilo sa “Captive,” akmang-akma naman ang paraan ng pagsalaysay ng kwento sa “Thy Womb.” Ibang-iba ang timpla ng obra, hindi ito melodramatic.  Walang sampalan. Walang mahahabang dyalogo.  Kahit mismo ilan sa mga manonood na sinasabing sanay sila sa “art film,” baka matabangan din sa pelikula.  Ang pinakatampok ng pelikula ay ang buhay ng ating mga kababayang Badjao sa Taw-Tawi.  Sa kabila ng mahirap at peligrosong lugar, patuloy pa rin ang pamumuhay na may dignidad. 

Tamang-tama ang pagpili kay Nora Aunor at Bembol Roco bilang mga pangunahing aktor. Bihasa ang dalawa sa pagsisiwalat ng saloobin ng kanilang karakter sa pamamagitan lamang ng tingin o simpleng galaw.  Kung minsan, hindi pa lahat inilalabas. 

Kung matalas rin ang iyong mga mata, mapupuna mo rin ang mga simbolo na ginamit ni Mendoza para sa karakter ni Shaleha. Imbes na mahabang pag-uusap, may linalagay siyang mga gamit o bagay malapit sa karakter ni Shaleha upang isiwalat ang kalayagan nito.  Nakita ba ninyo?

Ang estilo ng direksyon ni Mendoza at pagganap nila Aunor at Roco ay hindi kadalasang pinupuri sa ating bansa. Mas sanay tayo sa daldalan, aksyon at lahat ay dapat maisiwalat at kung tapos, tapos. Dapat lahat klaro.

Sa aking palagay, ang “Thy Womb” ay parang isang kakaibang bersiyon ng “Emperor’s New Clothes.”  Ito ay isang uri ng pelikula na mas nagbubunyag  kung anong uri kang manonood. Kung hindi mo nagustuhan ang “Thy Womb,” ibang uri ka ng manonood.  Kung kaya’t masigasig kong hihintayin ang pipiliing “Best Picture,” “Best Director,” “Best Actor,” at “Best Actress,” ng mga hurado ng Metro Manila Film Festival sapagkat matatanto natin kung anong uri silang hurado.

Yes, I’m evil.  Sue me.

Latest update (Jan 5, 2013):  Lumakas sa takilya ang "Thy Womb," I am always glad to be wrong. Minsan, epektibo rin pala ang "reverse psychology" o sa aking kaso "reverse film review." Salamat din sa mga Noranians dahil sa kanilang pagbisita sa aking blog, ang rebyung ito ang isa sa pinakasikat sa taong 2012. Salamat po sa inyong binigay na "himala."


____

Isa sa pinaka-aabangan ko sa panonood ng sine ay ang pagpila sa pagbili ng tiket o pagpasok sa sinehan, lalong lalo na kapag napakahaba ang pila.  Marami kasi akong naririnig sa  mga tao.  Kung baga, nalalaman ko ang isang bahagi ng malawakan at samut saring kuro-kuro ng mga ilang manonood.  Hindi lamang nag-uumpisa at nagtatatapos ang pelikula sa loob ng sinehan.  Kasama rin tayo.  Tayo mismo ay maaring paksa ng kritisismo.  Sa maniwala kayo o hindi, ito ang mga narinig ko kanina habang nakapila sa Trinoma.

1
Nanay 1: Ikaw ano panonoorin mo?
Mga anak: Enteng tayo.
Nanay 1 (patukoy sa isa pang Nanay): Ito, “Thy Womb” ang gusto!
Lahat: (Nagtawanan)
Nanay 2: Oy, hindi ako fan ni Nora.  Enteng tayo lahat.

2
Batang Lalaki: Panoorin natin yung Sisterakas
Tatay: May kabayo dun!
Batang Lalaki: Maganda, naduon din si Kris at Ai Ai
Tatay: Huwag doon, may kabayo doon, sige ka!

3
Lalaki 1: Kapag pasko talaga, walang magandang palabas. Wala kang mapipili.
Lalaki 2: Yung Enteng at Sisterakas, wala na daw available seats. Lahat puno. Bukas na lang.
Lalaki 1: Sa Australia, hindi ganito kagulo ang pila.

(First published in “The Chair” Blog)

No comments:

Post a Comment

DISCLAIMER
The other contributing writers and members of this publication and our advertisers do not necessarily share the opinions of the writer of the article above. (Hindi nangangahulugan na sang-ayon ang mga ibang manunulat, miyembro ng babasahing ito at aming advertisers sa mga opiniyon ng may akda ng sanaysay na nakasulat sa itaas)

COMMENTS POLICY
Brun Philippines encourages readers to focus solely on the issues when commenting or criticizing. We do not allow foul language and personal attacks on any individuals. You may only comment on a public person’s beliefs and actions. We strictly screen people who will leave comments, and only comments from readers with full names will be posted. Freedom of speech also includes responsibility. We want to weed out the buffoons from the critical and freethinkers. Thanks so much.

(Hinihikayat ng “Teapot” (Tsarera) ang mga mambabasa na tumutok lamang sa mga isyung pinag-uusapan sa pagkomento o pagpuna. Hindi namin pinapayagan ang napakaruming wika at personal na pag-atake sa sinumang indibidwal. Maari lamang punahin ang aksiyon at paniniwala ng isang publikong indibidwal. Istrikto naming sinasala ang mga taong nagkokomento at tanging ang mga komento mula sa mambabasa na ginagamit ang buong pangalan ang aming ipapaskil. Kaakibat din ng kalayaan sa pananalita ang responsibilidad. Gusto naming alisin ang mga luko-luko mula sa kritikal at malayang mag-isip. Maraming salamat po.)

Follow by Email

NEVER AGAIN!

NEVER AGAIN!
Brun Philippines joins the nation in remembering the evils of Martial Law and the fight to bring to justice those who are responsible for the human rights violations and other atrocities committed

WHO DID OUR READERS CHOOSE?

WHO DID OUR READERS CHOOSE?
Click banner above to see full list of winners