Search This Blog

01 May 2013

Biyaheng Bus at Ano ang Ibig Sabihin ng Mayo Uno

"Potato Eaters" by Vincent Van
Gogh. Image part of public
domain
Habang nakasalakay ng bus papauwi. Napadungaw ako sa salamin ng bintana ng bus. Napatitig sa mga tao sa kalye. Napakarami nating Pilipino, aking naisip. Sobrang dami.  Kahit gaano kabilis ang takbo ng lumang bus, masisilayan mo pa rin ang mga hugis ng mga tao sa kalye.  Bakit napakarami natin?  Utos marahil ba ito ng Diyos? Magpakarami? Bakit? Bakit nais ng Diyos ng napakaraming tao? Banong-bano na ba siya sa Paraiso? Sa dami ng bunganga, ilang taon bago tuluyan nating lamunin ang mundo, o kahit ang Kalakhang Maynila lang?  Nalilibang ba ang Diyos kapag sinrami ng daga ang tao?  Ilang Katoliko ba ang gusto ng mga Obispo? Bakit ba tayo lahat narito?



 Sa kalye, nakita ko ang aking sarili. Ang aking nakaraan sa isang batang nagmamadaling sumasabay sa lakad ng inang tila ba may hinahabol na oras. Nakita ko ang aking hinaharap sa isang matandang  may suot na long sleeves at init na init habang naghihintay ng bus na masaksakyan.  Higit sa lahat, sa repleksyon sa salamin ng bus, nakita ko ang aking sarili, ang aking kasalukuyan.  Kakasweldo pa lang at nakangiti dahil walang pasok bukas, Labor Day.  Ganito na pala kababaw ang aking kaligayahan.

“Tama na yan,” binulong ko sa aking sarili. Binaling ko na lang ang isip sa iba. Itinuon muli sa mga tao sa sa kalye ang pag-iisip. Naroon pa rin sila.  Naglalakad. Ang iba ay nagtitinda. Ang iba ay may bibit na mga bag, maliliit at malalaki. May mabibigat at may magagaan. Mayroon nakangiti at mayroon namang galit at pagod.  Iniisip rin kaya nila ang iniisip ko?  Kasya pa kaya ang sweldo nila ngayon? Tulad ko, kapag naiabot na sa magulang ang sweldo, may matitira pa ba pangsarili, kahit pang-inom ng beer? 

Huminto ang bus at sandali lang ay marami ang sumakay.  Parang tubig baha ang tao na pumasok sa bus.  May isang mama na mukhang 40 anyos ang tumabi sa akin. Marumi ang pantalon at amoy pawis. Medyo naiinis ako dahil dumikit sa akin.  Nainis ako sa aking sarili.  Hindi rin pala malalim ang kapit ng ugat ng aking liberal na edukasyon? E ano pa kung nabasa ko ang mga naglalalimang pilosopiya kung konting dikit lang ng isang amoy pawis na obrero ay nag-aastang mayaman na ako. Mangagawa lang siya, Inggles titser ako.  Sino ba ang may mas karapatan sa upuan sa air-con na bus na parang lata ng sardinas na may gulong?

Nahiya ako sa sarili.  Inisip ko na dapat ko itong isulat at ipamahagi sa iba. Subalit bakit pa? Napakarami ko nang nasulat, sino ba ang nagbasa? Kahit kaibigan hindi nga eh. Hindi na ata kayang makipagkumpetensya ng isang ideya sa alitang ng mga magkakamag-anak na artista.  Mas interesado tayo sa mga tweets ng pamilya Barretto. 

Nang huminto na ang bus sa aking destinasyon, ako ay bumaba at ang una kong naisip ay walang pasok bukas, Mayo Uno, “Araw ng Manggagawa.” E ano naman? Ilang “Araw ng Manggagawa” na ba ang lumipas? Sa karamihan sa atin, ibig sabihin lang noon ay wala tayong pasok. Ayos! Ganito na ba kababaw ang kaligayahan natin?

NOTE: The other contributing writers and members of this blog do not necessarily share the opinions of the writer of this article. (Hindi nangangahulugan na sang-ayon ang mga ibang manunulat at miyembro ng blog na ito sa mga opiniyon ng may akda ng sanaysay na ito.)

No comments:

Post a Comment

DISCLAIMER
The other contributing writers and members of this publication and our advertisers do not necessarily share the opinions of the writer of the article above. (Hindi nangangahulugan na sang-ayon ang mga ibang manunulat, miyembro ng babasahing ito at aming advertisers sa mga opiniyon ng may akda ng sanaysay na nakasulat sa itaas)

COMMENTS POLICY
Brun Philippines encourages readers to focus solely on the issues when commenting or criticizing. We do not allow foul language and personal attacks on any individuals. You may only comment on a public person’s beliefs and actions. We strictly screen people who will leave comments, and only comments from readers with full names will be posted. Freedom of speech also includes responsibility. We want to weed out the buffoons from the critical and freethinkers. Thanks so much.

(Hinihikayat ng “Teapot” (Tsarera) ang mga mambabasa na tumutok lamang sa mga isyung pinag-uusapan sa pagkomento o pagpuna. Hindi namin pinapayagan ang napakaruming wika at personal na pag-atake sa sinumang indibidwal. Maari lamang punahin ang aksiyon at paniniwala ng isang publikong indibidwal. Istrikto naming sinasala ang mga taong nagkokomento at tanging ang mga komento mula sa mambabasa na ginagamit ang buong pangalan ang aming ipapaskil. Kaakibat din ng kalayaan sa pananalita ang responsibilidad. Gusto naming alisin ang mga luko-luko mula sa kritikal at malayang mag-isip. Maraming salamat po.)

Follow by Email

NEVER AGAIN!

NEVER AGAIN!
Brun Philippines joins the nation in remembering the evils of Martial Law and the fight to bring to justice those who are responsible for the human rights violations and other atrocities committed

WHO DID OUR READERS CHOOSE?

WHO DID OUR READERS CHOOSE?
Click banner above to see full list of winners