Search This Blog

30 August 2014

Si Grace Poe Ba Ang Dapat na Maging Susunod na Pangulo? Ano Poe sa Palagay Ninyo?

Sinulat ni Rob San Miguel
Updated Version
Unang sinulat noong ika-18 ng Mayo 2013. Basahin ang orihinal na sanaysay dito.

Tanging si Grace Poe na lang ang makakatalo kay Bise-Presidente Jejomar Binay.  Marahil ang iba ay tumataya pa rin kay Mar Roxas bilang katunggali ni Binay sa 2016 subalit napatunayan na noong eleksyon noong 2010 na kayang lampasuhin ni Binay si Roxas. Lalo na ngayon na lumalakas ang makinarya ni Binay.  Kung baga sa chess, kumpleto at nakaposisyon na ang mga piyesa ni Binay.  Bise-Presidente na si Binay, mayroon na rin mga bagong Binay sa Senado, sa Mababang Kapulungan at sa lungsod ng Makati.  Bukod dito, hindi pa rin natitinag ang simpatya ng ordinaryong tao sa mga Binay. Ang pagkahalal kay Nancy Binay ay isang matibay na ebidensiya na hindi malakas ang impluwensya ng mga “edukadong elitista” sa mga ordinaryong botante.  Mas nakabuti pa nga kay Nancy Binay ang pang-aaping ginawa sa kaniya at panglalait sa kaniyang kulay.

Nagkamali ata ang atake sa mga Binay.  Ang kanilang kulay ang kanilang isa sa mga pangunahing alas.  Mukha silang Pilipino, hindi mukhang miyembro ng mga mapuputing elitista.  Ibang usapan na kung makamasa talaga ang agenda ng mga Binay. Si Erap, makamasa daw ang kaniyang plataporma sa gobyerno subalit napatunayan na hindi masa ang kaniyang nasa isip.

Sa kasalukuyan, kaliwa’t kanan ang mga alegasyon laban sa pamilyang Binay tungkol sa di-umano’y katiwalian sa lungsod ng Makati. Panahon lang ang makapagsasabi kung maapektuhan nito ang kapalaran ni Bise-Presidente Binay sa 2016.

Nariyan si Senador Chiz Escudero subalit mukhang pang pangalawang pangulo lamang ang kaniyang mararating ngayon habang nandiyan pa si Binay, at mukhang mas dapat pa muna niyang tuunan ng pansin ang kaniyang personal na buhay bago sumabak bilang pangulo.  Si Senador Loren Legarda naman, sa aking personal na opinyon, ay hindi na dapat nating seryusohin. Ang palipat-lipat na senadorang ito sa iba’t ibang partido ay isang matibay na indikasyon na isa siyang tahimik na trapo.  Babatikusin ang isang pulitiko pagkatapos, pagdating ng eleksyon, duon rin pala sa binatikos na pulitiko didikit.

Lumalakas din ang kampanya para mapabalik sa pwesto ang pamilyang Marcos sa MalacaƱan. May kilusang dahan-dahang nag-uusad ng kandidatura ni Senador Bongbong Marcos sa pagkapangulo sa 2016. Sa katunayan, sa aming maliit na kasalukyang survey, nangunguna si Sendador Bongbong Marcos at pumapangalawa si Senador Miriam Santiago.

At dahil gumaling na si Senador Santiago sa kanser sa baga, maari na rin siyang tumakbong pangulo sa 2016.

Photo taken from Senator Poe's
Facebook Page
Click this
Si Grace Poe, anak ng yumaong Fernando Poe Jr., ay isang kakaibang pulitiko.  Parang soap opera ang kaniyang buhay publiko. Inabandona ng mga magulang at inampon ng Hari at Reyna ng Pelikulang Pilipino, kapwa iniidolo ng ordinaryong Pilipino. Siya ay naging mabuti at matapat na anak.  Si Grace Poe na anak ng isang dating kandidato sa pagka-pangulo na di umano ay nadaya at ang pangdaraya ang isa sa naging mga dahilan sa pagpanaw.  Si Grace Poe ay bago sa pulitika at hindi pa nababahiran ng katiwalian.  Si Grace Poe na nagpakita ng pagkakumbaba ay mas malapit sa persona ni Corazon Aquino.  Kung si Benigno Aquino ay may Corazon Aquino, si Fernando Poe Jr. ay may Grace Poe.  Ito ang mga sangkap ng dramang pulitiko ng bansa.

Kung magpakitang gilas at katalinuhan si Grace Poe sa Senado, panatiliin niyang malinis ang kaniyang pangalan at maging mas malapit sa masa, malaki ang posibilidad na matatalo niya si Binay, si Santiago o si Marcos sa 2016.  Sa kasalukuyan, ayon sa Facebook page ni Senador Poe, sa kaniyang unang taon sa Senado, 107 measures, 34 bills at 73 resolutions na ang kaniyang nagawa. Siya rin ang isa sa mga pangunahing mambabatas na sumusulong para maipasa ang Freedom of Information Law (FOI)

Umani rin ng papuri si Poe nang sumakay siya ng MRT nang walang mga bodyguards at abiso sa media. Ilan pa kaya sa mga “presidentiables” ang sasakay ng pampublikong sasakyan?

Higit sa lahat, kung titigan mo sila Grace Poe, Binay, Santiago, Marcos at isama mo pa si Roxas, kanino ka hindi maiinis?

Ito ay haka-haka lamang subalit nakakakiliti sa kamalayang Pinoy. Si Grace Poe ba ang dapat na maging susunod na pangulo? Ano po ang palagay ninyo?

_____


NOTE: The other contributing writers and members of this blog do not necessarily share the opinions of the writer of this article. (Hindi nangangahulugan na sang-ayon ang mga ibang manunulat at miyembro ng blog na ito sa mga opiniyon ng may akda ng sanaysay na ito.)

2 comments:

  1. Hindi po... Si Bongbong Marcos ang gusto ko. Milya-milya naman ang layo o agwat ng dalawa...

    ReplyDelete
  2. Bongbong Marcos Jr. lang ang pwede,wala ng iba pa.

    ReplyDelete

DISCLAIMER
The other contributing writers and members of this publication and our advertisers do not necessarily share the opinions of the writer of the article above. (Hindi nangangahulugan na sang-ayon ang mga ibang manunulat, miyembro ng babasahing ito at aming advertisers sa mga opiniyon ng may akda ng sanaysay na nakasulat sa itaas)

COMMENTS POLICY
Brun Philippines encourages readers to focus solely on the issues when commenting or criticizing. We do not allow foul language and personal attacks on any individuals. You may only comment on a public person’s beliefs and actions. We strictly screen people who will leave comments, and only comments from readers with full names will be posted. Freedom of speech also includes responsibility. We want to weed out the buffoons from the critical and freethinkers. Thanks so much.

(Hinihikayat ng “Teapot” (Tsarera) ang mga mambabasa na tumutok lamang sa mga isyung pinag-uusapan sa pagkomento o pagpuna. Hindi namin pinapayagan ang napakaruming wika at personal na pag-atake sa sinumang indibidwal. Maari lamang punahin ang aksiyon at paniniwala ng isang publikong indibidwal. Istrikto naming sinasala ang mga taong nagkokomento at tanging ang mga komento mula sa mambabasa na ginagamit ang buong pangalan ang aming ipapaskil. Kaakibat din ng kalayaan sa pananalita ang responsibilidad. Gusto naming alisin ang mga luko-luko mula sa kritikal at malayang mag-isip. Maraming salamat po.)

Follow by Email

NEVER AGAIN!

NEVER AGAIN!
Brun Philippines joins the nation in remembering the evils of Martial Law and the fight to bring to justice those who are responsible for the human rights violations and other atrocities committed

WHO DID OUR READERS CHOOSE?

WHO DID OUR READERS CHOOSE?
Click banner above to see full list of winners