Search This Blog

25 September 2015

Kritisismo: "Heneral Luna," Pelikula ni Jerrold Tarog

The English translation is below this post.

Walang duda, may nabasa ka na kahit isa lamang pagsusuri tungkol sa pelikula ni Jerrold Tarog na “Heneral Luna.” Ang pelikula ay usap-usap ng karamihan. May mga ilang mga tao na pinupuri ang katapangan ng pelikula at ang matagumpay nitong pagtangka na makuha ang interes ng mga kabataan sa kasaysayan. Sa ibang dako, may iba na pinupuna ang pelikula sa malambot nitong pagtalakay sa imperyalismong Amerikano at mga ilang kamalian sa kasaysaysan. 

Anuman ang iyong mga saloobin sa pelikula, hindi kaila na isang napakabubuting anomalya ang "Heneral Luna" sa larangan ng kasalukuyang pelikulang Pilipino. Ang "Heneral Luna" ay isang pelikula na bahagyang tumatalakay sa tunay na kasaysayan o isang bahagyang katha batay sa tunay na kasaysayan. Prinodyus ang pelikula ng parehong uri ng elitista na kinabibilangan nila Luna, Aguinaldo at Rizal subalit hindi natin maaaring tahasang pulaan ang katotohanang ito. Magastos ang paggawa ng pelikula at sino pa mismo ang may pera para pangtustos sa isang napakalaking pelikula tulad nito, at isugal ang milyong-milyong piso para sa isang uri ng pelikula na karaniwan ay linalangaw sa takilya.

Kung isasaalang-alang ang katotohanang ito, hindi maasahan ang isang mas militanteng pelikula kung ang mga prodyuser ay hindi nanggaling sa uring masa. Ano kaya marahil ang magiging anyo ng “Heneral Luna” kung sila Lino Brocka, Ishmael Bernal o sinumang direktor na lumaki sa kahirapan ang nag-direk nito.

Marahil ang tagumpay ng “Heneral Luna” ay ito ay napapanahon. Malapit na ang eleksyon at karamihan ng mga botante ay sawang-sawa na sa ating mga pulitiko na walang political will. Pagod na tayo sa mga ilang miyembro ng oligarka na humahawak ng posisyon sa pamahalaan kung kayat ang kanilang tanging agenda ay panatiliin ang kanilang kalagayang pinansyal sa lipunang Pilipino. Pagod na tayo sa mga balimbing na nagkalat sa ating sistemang pulitikal. Tanging sa ating bansa lamang maaring akusahan ng isang pulitiko ng katiwalian ang kapwa pulitiko, tapos ay susuportahan naman ito sa dadating na halalan. Pagod na rin tayo sa ating mga sarili sa pagiging tamad, makitid ang isip, masyadong nakasentro sa pamilya at masyadong walang disiplina. Nagrereklamo tayo sa kahit anung bagay subalit wala tayong pakundangang suwayin ang mga simpleng batas trapiko, pagtapon ng basura kahit saan o kahit sa pagpila lamang. Pagod na tayo sa ating sarili at sa ating mga inkompetenteng pulitiko na atin din namang hinahalal. At si Heneral Luna ang kumakatawan ng lahat ng ating mga pagkasiphayo.

Sa isang banda, ang mga hiling ng ilang tao para sa pagtakbo sa pagkapangulo ni Eduardo Duterte ay isang tanda ng ating pagkasiphayo. Ang ilan sa atin ay payag na ihalal ang isang pulitikong tahasan tinutukan ng baril ang isang turista dahil sa paglabag sa ordinansa laban sa paninigarilyo para lang magkaroon tayo ng kaayusan sa lipunan. Mukhang kailangan nating mga Pilipino ang isang tagapagligtas kaysa sama sama nating iligtas ang isa’t isa.

Oo, si Luna ang ating pangkasalukuyang simbolo. Kawili-wili sapgakat kahit kabilang si Luna sa uring elitista, pinakita in Tarog sa pelikula na mas proletaryado si Luna kaysa elitista. Ang kaniyang poot laban sa gobyerno ay sumasalamin sa poot ng karaniwang Pilipino. Ang kaniyang pagkasiphayo para sa kapwa Pilipino ay tulad din ng ating pagkasiphayo.

Ang isang tagpo sa pelikula kung saan plano ni Luna na kumpiskahin ang tren mula sa isang Amerikanong opisyal ay kawili-wili. Marunong magsalita si Luna ng Pranses at Kastila subalit hindi siya gaano kabihasa sa Ingles. Sa karamihan ng Pilipino, Ingles ang wika ng mga elitista at kung kayat ang pagkayamot ni Luna sa pagsasalita ng wikang banyaga sa sariling bansa ay parang isang alingawngaw sa karamihang Pilipino.  “Nosebleed” ang karaniwang kumento ng isang Pinoy. Ang tagpo sa tren ay isa sa pinakanakakatawang bahagi ng pelikula, at, sa aking pananaw, itinaas nito si Luna sa antas ng masa kaysa sa antas ng mga elitista.

Marami rin napapanahong one-liners ang pelikula. Dalawang halimbawa ay ang sumusunod: “Para kayong mga birheng naniniwala sa pag-ibig ng puta” aT “Walang nakakaangat sa batas, kahit presidente.”

Mahilig tayong mga Pilipino sa one-liners mula sa ating mga pulitiko kung kayat libu-libong mga libro ang nabebenta ni Miriam Santiago. Gayunman, tanging ganuon na lamang ang ilang pulitiko, puros one-liners at walang aksyon.

RELATED POST:
Cover Article for October 2015
Click this
Sa pagtatapos, ang “Heneral Luna” ni Jerrold Tarog ay dapat panuorin. Napakahusay ng pagganap ni John Arcilla at sa wakas ay nakamtan niya ang isang nararapat na pagkilala.  Gayunman, anuman ang iyong opinyon tungkol sa pelikula, suma tutal, dapat maging interesado sana tayo sa kasaysayan. Maiintindihan lang nating ang kasalukuyan sa pamamagitan ng kaalaman sa kasaysayan. Magbasa tayo ng kasaysayan, hindi lamang isang bersyon subalit iba pa. Alamin ang katotohanan, suriin ang ebindensya at mag-isip para sa sarili. Ito lang ang tanging paraan para tunay natin igalang ang pamana ni Heneral Luna.

P.S.
Nangunguna muli si Tito Sotto sa mga survey at maraming kabataan ang naniniwala na mabuti ang rehimeng Marcos. Ang mga katotohanang ito at nagpapatunay na wala tayong pakialam sa kasaysayan.  Umaasa ako na  babaguhin ito ng pelikulang “Heneral Luna.”  Kung hindi man, huwag tayong aasa na may pagbabago hangang sa darating na rebolusyon na hindi elitista ang hitsura.

Ilagay ang balintunay dito ________.


ENGLISH TRANSLATION

No doubt, you have read at least one review for Jerrold Tarog’s “Heneral Luna.” The film is the talk of the town. Some people have praised the film for its boldness and for its successful attempt to make young people become interested in history. Others, on the other hand, have criticized the film for being too soft on American imperialism and for some historical inaccuracies.  Whatever your thoughts on the film, one cannot doubt that “Heneral Luna” is a refreshing anomaly in current Philippine cinema. “Heneral Luna” is a partly historical film or a partly fictional film based on historical events.

The film is produced by the same kind of elites to which Luna, Aguinaldo and Rizal belong, although we cannot really criticize this fact. Film is expensive so who else has the money to finance a big-budget movie like this, and risk millions of pesos for a film that traditionally die at the box office.  Considering this fact, one cannot expect a more militant film if the producers do not come from the masses. I wonder how “Heneral Luna” would look like if Lino Brocka, Ishmael Bernal or any film director who spend his childhood in poverty directed it.

Perhaps the success of “Heneral Luna” is perfect timing. Election time is just around the corner and majority of voters are fed up with politicians lacking political will. We are tired of some members of the oligarchs who occupy government positions so their only agenda is to secure their financial standing in Philippine society. We are tired of turncoats who litter our political system. Only in our country can a politician accuse another politician of corruption and then support the same politician in the next election. We are also weary of ourselves for being too lazy, petty, too family-centered and too undisciplined. We complain about almost everything under the sun but we do not have any hesitation violating simple traffic rules, throwing trash anywhere or even not falling in line. We are tired of ourselves and the politicians that we elect, and General Luna represents all our frustrations.

In some way, the clamor for Eduardo Duterte to run for president is a sign of our frustrations. Some of us are willing to elect a politician who would point a gun at a local tourist for violating a non-smoking ordinance just so we can finally have order. It seems that we Filipinos need a savior instead of collectively saving ourselves.

Yes, Luna is our current symbol. Interestingly, although Luna belonged to the elite class, Tarog presented Luna in the film as more proletariat than elite. His anger toward government echoes the anger of everyday Filipinos’. His frustrations over other fellow Filipinos are also our frustrations. The scene when Luna planned to confiscate the train from an American official is entertaining. Although Luna could speak French and Spanish, he was not fluent in English.  For most Filipinos, English is the language of the elite and so Luna’s annoyance for having to speak a foreign language in his own country reverberates to most Filipinos. “Nosebleed” is the common response. This train scene is one of the funniest moments of the film and that, I think, elevated the filmic Luna on to the side of the masses than the elite. The film also boosts with timely one-liners. Two best examples are “You're like virgins who believe the love of a whore” and “No one is above the law, even the president.” We Filipinos love one-liners from our politicians, which is why Mirriam Santiago sells books by the thousands. However, some politicians are just that, one-liners and no actions.

In the end, Tarog’s “Heneral Luna” is a must-see film. John Arcilla’s performance is outstanding and he is finally getting the recognition that he deserves.  However, whatever your opinion on the film may be, bottom line; the film should get us interested in learning about history. Only through knowledge of history, we can understand the present. Read history, not just one version but other versions. Learn the facts, examine the evidence, and think for ourselves. Only then, we can truly honor General Luna’s legacy.

P.S.
Tito Sotto still leads in surveys, and many young people believe that the Marcos regime was good. These facts prove that we do not care about history. I hope that “Heneral Luna” may change all that. If not, do not expect any changes until another revolution comes, not the elite-kind by the way.

Insert irony here ________.

No comments:

Post a Comment

DISCLAIMER
The other contributing writers and members of this publication and our advertisers do not necessarily share the opinions of the writer of the article above. (Hindi nangangahulugan na sang-ayon ang mga ibang manunulat, miyembro ng babasahing ito at aming advertisers sa mga opiniyon ng may akda ng sanaysay na nakasulat sa itaas)

COMMENTS POLICY
Brun Philippines encourages readers to focus solely on the issues when commenting or criticizing. We do not allow foul language and personal attacks on any individuals. You may only comment on a public person’s beliefs and actions. We strictly screen people who will leave comments, and only comments from readers with full names will be posted. Freedom of speech also includes responsibility. We want to weed out the buffoons from the critical and freethinkers. Thanks so much.

(Hinihikayat ng “Teapot” (Tsarera) ang mga mambabasa na tumutok lamang sa mga isyung pinag-uusapan sa pagkomento o pagpuna. Hindi namin pinapayagan ang napakaruming wika at personal na pag-atake sa sinumang indibidwal. Maari lamang punahin ang aksiyon at paniniwala ng isang publikong indibidwal. Istrikto naming sinasala ang mga taong nagkokomento at tanging ang mga komento mula sa mambabasa na ginagamit ang buong pangalan ang aming ipapaskil. Kaakibat din ng kalayaan sa pananalita ang responsibilidad. Gusto naming alisin ang mga luko-luko mula sa kritikal at malayang mag-isip. Maraming salamat po.)

Follow by Email

NEVER AGAIN!

NEVER AGAIN!
Brun Philippines joins the nation in remembering the evils of Martial Law and the fight to bring to justice those who are responsible for the human rights violations and other atrocities committed

WHO DID OUR READERS CHOOSE?

WHO DID OUR READERS CHOOSE?
Click banner above to see full list of winners