EXPENSES
|
PER PERSON
|
Transportation
|
|
(Genesis Bus) Cubao to Baler
|
P 450
|
(Van) Baler to Cabanatuan
|
P 225 to
P 300
|
Cabanatuan to Cubao
|
P 185
|
Accommodation
Air-con room good for 10 to 12 people,
overnight
|
P 350
|
Food
(2 sets of lunch, 1 dinner, 1 breakfast,
drinks and others)
|
P 250 to
P 300
|
Tour (van or
tricycle rental)
|
P 300 to
350
|
Tips and
Tour Guide Fees
|
|
Balete Guides
|
P 25
|
Ditumabo Falls (P100)
|
P 10
|
TOTAL
|
P 1,785 to P 1,970
|
EXTRA EXPENSES: Surfing
|
|
Without Instructor /
Surfboard only
|
With Instructor
|
-
P 200/hr
-
P 400/half day
-
P 800/whole day
If the surfboard gets broken, you
will be charged accordingly. They will send the board to the repair shop and you
will know the cost of the repairs.
|
P 350
If the surfboard gets broken,
there are no additional charges.
|
BALER
TWO-DAY ITINERARY
FIRST DAY
Meeting Place:
Genesis Bus Station, EDSA corner New York Street
1:00 A.M. – Assembly
Time
1 to 2 A.M.
– Departure from Cubao (two stopovers)
8 - 9:00 A.M. –
Time of Arrival (Baler) Breakfast at Rolling Stores. The cost of meal is around
P50, depending on how much you will eat.
10:00 A.M.
– Visit Museo de Baler and Baler Church (unfortunately, we were not able to go
to Baler Church, we had so much fun in the museum)
11:00 A.M.
– Head to Resort (settle in, rest a bit)
12:00 P.M.
– Trip to local market (Palengke)
Afternoon Activities
Group
Cooking and Other Food Preparations:
I suggest that everyone
in the group help so you can finish early. You should also prepare breakfast
for the next day because most of you will be too lazy in the morning. In our
case, we just hard-boiled eggs, rice, leftover dinner from last night, sandwiches
and coffee.
Surfing
and Other “Beach-related Activities” (insert laugh here)
For those who want to
surf, this is the best time. Others in the group who are not into surfing can just
stroll along the beach, enjoy the scenery, or swim. We must not forget, picture
picture, selfie selfie!
Evening Activities
Dinner
and socials
(drinking or just enjoying each other’s company):
In our case, we had dinner
around 7, talk and drink until midnight. Four to five hours of bonding was more enough
for us. Most of us went to bed around midnight, which gave us enough time to
sleep and remain energetic for the day tour the next day.
SECOND DAY
6 - 7:00 A.M.
– Wake Up
8:00 A.M.
– Breakfast and preparation for the Day Tour
Day Tour
Balete Tree and Ditumabo Falls
2:00 P.M.
– End of Day Tour (Head to resort, then merienda)
Buying Souvenirs
4:00 P.M.
– Departure Time from Baler to Cabanatuan (1 stopover, late dinner for you and
the driver. The driver buys his own food)
8:00 P.M.
– Cabanatuan to Cubao
11:00 P.M.
– Arrival Time, Cubao
TRANSPORTASYON
Picture taken from Genesis Web Site. Click here |
Genesis Bus lamang
ang may diretsong biyahe mula Cubao hanggang Baler. Huwag ninyong tingnan ang kanilang website
sapagkat hindi kayo matutulungan. Design lang iyon. Dumiretso na kayo mismo sa bus station para
magpareserve.
Ordinary
Aircon Bus, P450 (6 na oras ang biyahe)
Hindi na kailangan ang
reservation. Punta na lang sa estasyon. Sa loob na mismo ng bus ang singilan
kapag nakasakay ka na. Una-unahan. Kapag maagang napuno ang lahat ng kanilang
bus, wala nang biyahe. Ang unang trip daw ay 2:30 A.M. sinabi sa amin sa
telepono pero noong nanduon na kami sa estasyon, 1:30 A.M. pa lang, tatlong bus
na ang bumiyahe. Sa aking opiniyon,
hindi komportable ang upuan ng bus. Medyo maliit at walang gaanong espasyo,
pero ayos na rin.
Joy
Executive Bus, P650 (4 na oras ang biyahe)
Kailangang
magpareserve. May CR sa loob ng bus, libreng snacks at may stewardess sa bus.
Pagdating
sa Baler
Pagdating sa Baler, napansin
namin na nagpareserve na kaagad ang mga ilang pasahero sa estasyon para pauwi.
Subalit dahil ordinary aircon lamang ang aming sasakyang pauwi, hindi kailangan
mag-pareserve. 3 P.M. ang last trip at kung unahan din ang sistema, dapat 1
P.M. nasa bus station ka na para makasakay.
May posibleng wala pang 3 P.M. ubos na ang bus pabiyaheng Cubao.
Kung tatlong araw ang
gugulin ninyo sa Baler, madali ang makauwi. Halimbawa, Lunes ng umaga kayo
aalis. Ngunit Sabado at Linggo lamang
kami pwede kaya hindi rin magandang umuwi naman ng 1 P.M. ng Linggo.
Alternatibong
Ruta
Isang solusyon ay
mag-arkila na lang ng van patungong Cabanatuan. 24 hours biyahe kaya hindi mo
kailangang maghabol. Ang aming resort na
mismo ang naghanap ng van para sa amin. May 12 tao ang kasya sa isang van. Mga
P225 kada tao ang bayad. Kung 10 lang kayo, at nais ninyong medyo maluwag,
arkilahin na lang ninyo ang buong van. Sa aming kaso, 9 kami at binayaran na
lang namin ang buong van kaya imbes na P225, naging P300 kada tao. Pagdating sa
Cabanatuan, sumakay kami ng bus pauwing Cubao. P 185 ang pamasahe.
Halos mahal lang ng
kaunti kapag nag-Cabanatuan kayo. Sa Genesis Bus, 450 ang tiket. Sa
Baler-Cabanatuan-Cubao na ruta, 485 ang gagastusin (P300 sa van + P185 sa bus =
P485).
Pareho din ang haba ng biyahe, mga 6 hangang 7 oras,
depende sa driver.
AMING RESORT: Pacific Waves Inn
Picture taken from Pacific Waves Inn's Facebook page. Click this for more information |
Hindi mamahalin ang Pacific
Waves Inn at hindi rin ganoon ka sosyal ang accommodation subalit may mga
magagandang katangian din ang lugar.
- Ito ay malapit sa aplaya (beach), tanaw na tanaw. Hindi mo na kailangang maglakad ng malayo
- Nagpapahiram sila ng gamit pang-luto at kung may lugar pa sa kanilang refrigerator, maari mo rin ilagay ang iyong mga pagkain. May bayad sa pagluluto kung marami kayong lulutuin pero maliit ang singil. Sa kaso namin, marami kaming niluto kaya tama lang na magbayad kami. Sa katunayan, sa tagal namin nagamit ang outdoor kitchen, mura talaga ang aming binayad.
- May tinda rin silang alcoholic drinks. May corkage kapag bumili sa labas.
- Kung ayaw ninyo rin magluto, lalo na sa breakfast, maari kayong magpaluto na lamang. Mga 70 pesos per meal, iyon ay sa breakfast. Hindi ko naitanong pag ibang putahe naman.
- Napaka-accommodating ng caretaker ng resort na si Miss Rosita at ang kaniyang kapatid na si Kuya Fred. Madali silang kausap at laging gumagawa ng solusyon. Regular ang aming komunikasyon. Isang araw bago pumunta, nasabihan na kami na may susundo sa amin mula sa bus station pagdating sa Baler. Kahit sa bus, patuloy ang pangangamusta ni Miss Rosita. Tinatanong kung nasaan na kami.
- Mayroon din silang Pajero, Starex at iba pang sasakyan para maari mong rentahan sa inyong Day Tour. Mas bahagyang mahal kaysa sa pagrenta ng tricycle subalit mas komportable kayo at mas mabilis ang biyahe dahil may mga daanan nahihirapan ang mga tricycle.
- Sila Kuya Fred na rin ang naghanap ng van para papuntang Cabanatuan at naghintay na rin ang van sa may resort kaya hindi na kami naglakad pa sa estasyon. Duon na mismo sa labas ng resort kami sumakay. At dahil nasolo namin ang van, hinintay rin kami habang namimili ng souvenirs.
Hindi tulad ng
karanasan namin sa ibang paglalakbay, hindi namin naging problema ang resort.
Mababait sila Miss Rosita at Kuya Fred. Si Kuya Fred pa ang aming naging driver
sa Day Tour at may libeng kwento pa. Iyon ang pinakanagustuhan ko sa Pacific Waves
Inn, ang mga tauhan. Marahil hindi sobrang sosyal ang lugar, at may mga
kakulangan din lalo na matapos bahagyang nasira sila ng bagyong Santi, subalit sapat ang kanilang pag-aalaga sa amin. Kahit lagpas na kami sa “check out time” at
parating na ang susunod na gagamit ng aming room, pinagamit ang ibang bakanteng
room para duon kami maligo at maghanda. May
nakuha din kaming discount. Sa huling banda,
parang ako pa ang nahiya, sobra sobra na baka wala naman silang kitain.
Suma tutal, mas
na-enjoy namin ang trip dahil sa Pacific Waves Inn; lahat ng aming kailangan,
naibigay. Sa tulad naming “kulang sa boojei (budget),” sulit na sulit.
Salamat po Miss
Rosita at Kuya Fred
Pahabol
Official check in
time sa Pacific Waves Inn ay 2 P.M. subalit maari ninyong gamitin ang inyong
room bago mag 2 P.M. kapag walang gumagamit. Huwag lang buksan ang aircon at
iba pang gamit. Kung gusto ninyo rin
mag-early check in, maari din. Kung
mag-e-extand kayo ng stay ng ilang oras, sabihin ng maaga kay Miss Rosita, baka
kasi hindi pwede dahil may susunod na sa inyo.
Kung mayroon man, maari naman kausapin sila. Base sa amin karanasan, napagbigyan
kami nila Miss Rosita at napagamit ang mga rooms na bakante.
Para sa karagdagan
impormasyon, bisitahin ang Facebook Page ng Pacific Waves Inn.
PAGKAIN
Sa Baler town mismo,
maraming restaurant at turo-turo na maaring kainan. Pinaka sikat dito ang “Rolling
Stores.” Mura at mababait ang mga tindera. Perfect welcome! Masarap ang pagkain subalit dahil
na-spoil kami ng aming travelling chef, medyo iba ang antas ng aming panlasa. Nalaman na namin na sa murang halaga, maari maging mamahalin ang lasa kapag tama ang timpla.
Sa Sabang Beach naman
mismo, marami rin kainan at may videoke pa. Kung hindi kayo magluluto, maari
ninyong subukan ang mga kainan duon. May mura, may mahal.
Pahabol: Kapag nag-stopover kayo sa Cabanatuan (unang stopover papuntang Baler), bumili ng sikat na Nueva Ecija putok sa tindahan. Ang N.E. putok ay parang pinagsamang putok at pandesal. Masarap kainin sa umaga kasama ang kape. Sayang dalawa lang ang nabili ko.
APLAYA / BEACH
Mahaba ang Sabang
Beach at malakas ang alon. Kung may
oras, lakbayin ang buong aplaya. Ingat lang sa ibang parte ng dalampasigan, mabato. Baka sumemplang ka habang nag-su-surf at magalusan.
TOUR
Unang araw pa lang, nabisita na namin ang Museo de Baler. Sunod sa amin hiling,
kasama sa buong Day Tour ang mga sumusunod
- Pagbisita at pag-akyat sa 500-year old Balete Tree
- Ditumabo Falls
- Ermita Hill (200-steps and the Tromba Marina Statue)
- Lukso Lukso Islets
Subalit kulang talaga
ang 2 araw sa Baler, hangang sa taas ng Ermita Hill lamang kami umabot,
talagang pagod na rin kami. Hindi na namin nakita ang Tromba Marina Statue,
kung saan ginugunita ang mga namatay at nakatakas noong 1735 Tsunami. Wala na
rin kaming oras para mabisita ang Lukso Lukso Islets. Marahil, ang mga
lugar na ito at iba pang tanawin sa Baler ang aming dadayunin sa susunod na
pagkakataon.
Panorama View |
Five
Hundred-Year Old Giant Balete Tree
Kailangan ninyong
akyatin ang puno. Tutulungan naman kayo ng mga guides. Si Carol, isa sa aming miyembro, ay tinawag
silang “Balete Boys.” Sanay na sanay na sila umakyat. Sa mga takot umakyat,
gagabayan naman kayo sa bawat tapak sa mga sangga ng puno. Huwag mag-alalala. Huwang din masyadong mayabang at pilitin
akayatin ang puno. May mga parte ang puno na mas delikado kapag hindi mo
kabisado ang mga sangga. Mahulog ka pa!
Our expert photographer who took the panorama shot. Photography by Rob San Miguel |
Mahusay din sa
pagkuha ng litrato ang mga batang guides, lalo na gamit ang inyong cellphones.
Sanay din sa pagkuha ng panorama shot. Magaganda ang kinalabasan ng kanilang
kuha. Kaya huwag na magkuripot, bigyan ng tip lalo na kung pinagod mo dahil sa
dami mong posing posing sa itass ng Balete.
Peligroso din ang trabaho nila.
Tipping:
Kung 10 kayo, P25
each ang bigay ninyo kung nagtitipid. P250 ang suma tutal. Tatlo or apat ang mga batang guide. Mungkahi lang ito, pwedeng taasan ang bigay.
Bahala kayo. Kung nais ninyo, kayo na
mismo magbigay sa tumulong sa inyo. May donation box din malapit sa Balete
tree, maaring duon rin kayo maglagay. Sa aming kaso, medyo mataas ang binigay ng tip ng iba.
Madali lang ang trek
sa Ditumabo Falls. Kapag tricycle ang inyong sasakyan, may posibilidad na
mabalaho sa mabatong kalsada ang gulong paminsan-minsan kaya kailangan itulak
ang tricycle. Mas mainam kung matatag na
van ang gagamitin.
Kung nais ninyo ng
guide, P100 lamang ang bayad. Ayos din kung wala kayong guide dahil madali
naman sundan ang daan sa talon. Subalit nakatulong sa amin ang guide dahil siya
ang nagsabi kung saan malalim at inalayan din niya ang mga mahihinhin naming
kasama. Ang aking mungkahi, kumuha na ng
guide bilang tulong sa mga taga-Baler. P100 lang naman. Kung 10 kayo, P10 lang
ang kontribusyon bawat isa.
May maliit na
sari-sari store din na nagtintinda ng hotdog-on-a-stick, banana-que,
camote-que, kwek kwek, isaw, sopas at iba pa kaya maari kayong kumain,
mag-yosi, at uminom bago simulan ang trek. Bawal ang magdala ng bottled water o pagkain
sa talon. Kung mauhaw kayo, may fresh
drinking water mula sa bundok ang maaring inumin. Yes, from the mountain. Fresh
na fresh at ligtas.
Hindi nakakapagod ang
trek, dagdag ingat lang sa madudulas na bato. Pagdating sa talon, maari kang
lumangoy. Malamig ang tubig, lalo na tuwing Nobiyembre hangang Pebrero. Mababaw lamang ang tubig sa may gitna ng
talon subalit mga 7 talampakan (feet) ang lalim sa gilid. Kung marunong kang
lumangoy, madali lang puntahan, hindi hihigit sa 10 talampakan ang layo sa mababaw
na parte.
Kapag hindi ka naman
marunong lumangoy, angkas ka lang sa kasamang marunong lumangoy at makakarating
ka rin. Sayang kasi kung hindi ka pupunta malapit sa talon.
Sana ay nakatulong ang
aming guide. Napakasaya ng aming karanasan
sa Baler kahit nakakapagod. Hindi naman
kailangan malaki ang gastos. Sa tamang pagplaplano, makakatipid kayo sa pera
pero hindi sa saya.
Higit sa lahat,
mababait at palakaibigan ang mga taga-Baler. Maraming Salamat po sa inyo at
hanggang sa susunod naming pagbisita!
Ditumabo Falls Ang mga ilang miyembro ng "Biyaherong Kulang sa Boojei: Left to right: Jae, Carol, Rob, Bianca, Gab, Jaypee, Alvin and A.R. |
Maraming Salamat Baler
No comments:
Post a Comment
DISCLAIMER: The other contributing writers and members of this publication and our advertisers do not necessarily share the opinions of the writer of the article above.