Search This Blog

Showing posts with label Travel Tips. Show all posts
Showing posts with label Travel Tips. Show all posts

11 May 2016

Calaguas, Camarines Norte: "Better Than Boracay but for How Long"

Calaguas, Mahabang Buhangin Beach
Travel Review

As the saying goes, you get what you paid for. For the first time, we went on vacation using a travel agency. The trip to Calaguas Island, Camarines Norte is around 10 hours, give or take, and so we felt that we might be wasting time if we opted to do a D.I.Y. trip. We were only available on Saturday and Sunday.

The verdict: Calaguas Island is beautiful indeed but the tour package that we availed was moderately satisfying. But then again, for 2,300 pesos, we get what we paid for.  This amount did not include the transportation cost. Other tour companies include transportation services and their overall cost is around 2,900 to 3,000. Mostly, you would be sharing a van with other tourists. We chose to rent our own van because we wanted to get a deluxe one that is more spacious and comfortable. We do not want to be stuck in a crowded van for 10 hours. That would be torture. We could have taken the bus but the van would take us directly to the port, and we do not have to run to the bus station to get a bus back home to Manila. The van that we rented is affiliated with the tour company.

"Isa Ka Lamang sa Napakaraming Turista" (Calaguas, Camarines Norte) Isang Sanaysay

Sa bawat aking paglalakbay, sinisigurado ko na may makausap akong tubo sa isang lugar. Kalimitan, sa kanila ko nalalaman ang tunay na sitwasyon ng isang lugar. Marahil mukha man mistulang paraiso ang isang pook subalit ito ay balot lamang at nakatago ang tunay na realidad. Sa aming pagbisita sa pulo ng Calaguas, nakausap ko ang aming bangkero. Hindi ko isisiwalat ang kaniyang pangalan para sa kaniyang proteksyon at paggalang sa kaniyang praybasi. Tinanong ko siya kung ilan ang kasya sa isang bangka sapagkat parang higit na marami ang sakay sa laki ng bangka. Naka-upo na nga kami ng isa kong kaibigan malapit sa makina. Sagot ng aming bangkero na hindi pa naman umabot sa overloading. Tinanong ko nang palihim kung magkano ang kinikita nila. Ayon sa kaniya, 800 piso lamang ang bayad sa kanila papunta at pabalik sa isla. Hindi 800 piso kada biyahe, kung hindi dalawang biyahe (hatid at sundo). Mukhang paghahatian pa nila itong magkakasama sa bangka. Ibig sabihin, hindi hamak na mas malaki ang parte ng mga tour company. Sabi rin niya na kung minsan, nagbibigay ng dagdag na isang daan piso ang isa sa mga pasehero at malaking tulong na raw ito sa kanila. Nagtitinda rin ang iba sa kanila ng ice buko mismo sa bangka. Bumili ako. May isang magkasintahan na bumili rin matapos makitang kumakain ako. Noong nakabili na ang nobyo, inalok ito sa kaniyang nobya subalit ang sagot ng nobya, “I don’t want that!” Sagot ng nobyo, “Babe, I thought you want some.”

07 December 2013

Ditumabo Falls, Baler, Aurora: A Pictorial Guide

From the road to the "Mother Falls"
Click Images to enlarge or start the slide show

Baler Under 2,000 Pesos: Isang Praktikal na Gabay sa Paglalakbay sa Baler, Aurora

Marami nang mga travel site at blog ang nagsulat tungkol sa Baler, Aurora. Napakarami na rin tips at impormasyon tungkol sa kasaysayan ng Baler ang nagkalat sa internet. Kung kayat naisip namin na mag-pokus na lamang sa pagiging praktiko. Sa karamihan, unang gustong malaman ay ang gastos. Magkano ba talaga? Baka mahal? Huwag mag-alala. Walang kakiyeme-kiyeme, ito ang aming “Practical Travel Guide to Baler, under a 2,000-peso budget.”




28 April 2013

Nalibot Ko Na Ang Mundo: Maikling Travelogue ng isang Breadwinner

Image part of
public domain
Paminsan minsan nangangarap akong makapaglakbay sa ibang bansa. Marating ang India at makita ang Taj  Mahal. Makaabot sa Pranses at lasapin ang mga masasarap na pagkain. Mabisita ang museo ng Louvre at masilayan ang Mona Lisa. Kung talagang papalarin, nais ko ring marating ang tuktok ng Bundok Everest.

Subalit sa tulad kong isang breadwinner na tumutulong sa pang-araw-araw na tustusin ng pamilya, halos wala nang natitira sa aking sweldo. Siguro kung ako’y isang suwail na anak, at hindi ako mag-abot ng pera ng kahit tatlong buwan lamang, maari na akong makapaglakbay sa Cambodia para makita ang Angkor Wat o bisitahin ang pinakamalaking istatwa ng Buddha sa Tsina.

27 April 2013

Travel Guide: "Mount Pinatubo Crater Lake"

KABUANG BUDGET
Pamasahe (Aircon Bus) Cubao to Capaz, Tarlac: P170 to P180 (papunta’t pabalik = P340 to P360)
Tour Package: P1,750 per person (Contact person, Sonia Bognot, 0932-6094226)
- kasama ang hatid ng tricycle sa base camp at pabalik
- renta sa 4x4 vehicle
- breakfast, lunch, at post-trek meal
- bottled water
Extra: P200 - para sa Aeta Community

SUMA TOTAL: P2,290 to P2,310 per person
Para sa kumpletong mga mga litrato (For the complete picture gallery) Pindutin ito

30 October 2012

“Come Empty, Return Empty.” An Essay from a Travelling Nun.


Note: Sister asked us not to put her name. She may be shy but I think she is just humble.  Yes, she is real and not fictional. She is a former student of mine)

One of the happiest things that can happen to us is to have a job that we really love. Most people work to earn money. Money is important but it is not the sum of all. It is unfortunate if making money is the only benefit that we get from a job. We must enjoy our work. Even though a person makes much money, if his job is not rewarding, it is not a good job. The late Steve Jobs said, "Do what you love.” I think that a good job should have a proper balance of enjoyment and responsibility. Therefore, we have to be honest to ourselves. What do we really like? What is it that makes our lives worth living? If I could choose another profession, I would want to be a travel writer, describing my own experiences in many countries that I would visit. 

05 April 2012

Walang Kakyeme-Kyemeng Vacation Guide sa Pundaquit, Zambales [Part 2: Nandito Na Kami]


Part 1: Click Here

PAYO:  A day before the trip, mag-courtesy call or text kayo sa may-ari ng resort na tutuluyan nyo para lang mapakita na hindi kayo uurong at baka may pagbabago sa resort o anu pa man, malalaman ninyo kapag nakausap ninyo sila a day in advance. 
Sa aming experience, dati nakapag-downpayment na kami sa isang resort, yun pala hindi na-forward ng officer-in-charge yung aming reservation sa head office. Ang nangyari, nabigay nang isang empleyado yung aming room, nuong tumawag kami a day before our trip, nabuking namin sila at pinaglaban namin ang aming reservation, ayun, napunta pa rin sa amin ang room dahil kami naman ang nauna.  Yung hindi tumawag in advance, pagdating nila sa resort, sila yung pinagsabihan na iba na daw ang rooms nila dahil nagkaroon ng error sa booking. Ayun, sila ang nakipag-away sa mismong araw ng bakasyon. Bad trip di ba? Kadadating mo pa lang, problema na.

Importante din na may nakatoka kayong laging nagpapadala ng text messages sa may-ari o caretaker ng resort kung paalis na kayo sa bus at kung nakarating na kayo sa bayan. Importante ito kasi para lalabas na handa kayo, may isang salita at binibigyan mo ng pagkakataon maghanda yung may-ari. Hindi naiinip.  Huwag naman text ng text Kuya, baka mainis.  2 to 3 text messages lang okay na.


Walang Kakyeme-Kyemeng Vacation Guide sa Pundaquit, Zambales [Part 1: Resort at Bus Trip]



April 5, 2012
KABUANG BUDJEi BAWAT TAO: P2,000 
  • P320 – bus fare [Cubao, Quezon City to San Antonio, Zambales]
  • P30 – tricycle fare [San Antonio City Hall to Pundaquit beach]
  • P350 – overnight stay sa resort [P3,500 sa kuarto na pang 10]
  • P350 – contribution sa pagkain [pamalengke at iba pang tsibug]
  • P150 – share sa boat rent [P1,500 sa isang isla, Capones Island]
  • P30 – tricycle fare [Pundaquit beach to San Antonio City Hall]
  • P320 – bus fare [San Antonio, Zambales to Cubao, Quezon City]
  • Total: P1,550
Maari mo pang i-round off sa P2,000 para sa ibang extra gastos na personal.  Kung magaling ka magplano, maaring hindi lalagpas ng P2,000 ang budget ng isa. 

Language Levels

Language Levels

Click image to go to the post