Search This Blog

05 April 2012

Walang Kakyeme-Kyemeng Vacation Guide sa Pundaquit, Zambales [Part 2: Nandito Na Kami]


Part 1: Click Here

PAYO:  A day before the trip, mag-courtesy call or text kayo sa may-ari ng resort na tutuluyan nyo para lang mapakita na hindi kayo uurong at baka may pagbabago sa resort o anu pa man, malalaman ninyo kapag nakausap ninyo sila a day in advance. 
Sa aming experience, dati nakapag-downpayment na kami sa isang resort, yun pala hindi na-forward ng officer-in-charge yung aming reservation sa head office. Ang nangyari, nabigay nang isang empleyado yung aming room, nuong tumawag kami a day before our trip, nabuking namin sila at pinaglaban namin ang aming reservation, ayun, napunta pa rin sa amin ang room dahil kami naman ang nauna.  Yung hindi tumawag in advance, pagdating nila sa resort, sila yung pinagsabihan na iba na daw ang rooms nila dahil nagkaroon ng error sa booking. Ayun, sila ang nakipag-away sa mismong araw ng bakasyon. Bad trip di ba? Kadadating mo pa lang, problema na.

Importante din na may nakatoka kayong laging nagpapadala ng text messages sa may-ari o caretaker ng resort kung paalis na kayo sa bus at kung nakarating na kayo sa bayan. Importante ito kasi para lalabas na handa kayo, may isang salita at binibigyan mo ng pagkakataon maghanda yung may-ari. Hindi naiinip.  Huwag naman text ng text Kuya, baka mainis.  2 to 3 text messages lang okay na.



UMPISA NA!
 Kung talagang limitado ang inyong budjei, unang araw ninyo, duon muna kayo sa Pundaquit Beach mag-enjoy, at mag-bonding bonding sa gabi.  Dati may waterfalls sa dulo ng beach at maraming surfers, pero nawala na ang lahat, at medyo naging malungkot ang lugar. Bakit nawala, hindi rin naming alam pero nalungkot kami dahil isa sa pinakamasayang lugar sa Pundaquit ay ang waterfalls.

Kapag tag-ulan, may nagsabi sa amin na bumabalik daw yung mga surfers at pwede kang mag-aral ng surfing, kung may extra budjei ka. Kund hindi naman, kuha lang ng surf board at pa-posing posing lang.

Sa ikalawang araw, trip naman sa Capones Island. Yung lang, sulit na. 
Teka teka, mga Importanteng Bagay na Dapat Malaman

·         Boat Trip: 1,500 ang trip kada isla o lugar [iba-iba ang presyo depende sa bangkero]
·         Kung pupunta kayo sa Capones Island at Anawangin [2 trips = P3,000]
·         Pero may nakausap ako na bangkero na kung maraming isla ang pupuntahan, per head na ang bayad, mula P200 to 300 kada tao.
·         Bottom line: Magtanong nang magtanong. Bago mag-rent ng bangka, siguraduhin nagkakaintindihan.
·         Ingat lang kasi yung ibang resort, nag-o-offer ng boat at humihingi ng deposito. Okay din ito basta siguraduhin kung ilang isla ang kasama sa bayad. 
·         Sa aming experience, sinabi sa amin na P1,500 ang renta sa bangka. Yun pala, P1,500 kada punta sa isla, kaya nung magbabayad na kami sa resort, nagulat kami na P3,000 yung aming babayaran.  Nakakainis. Kaya pala offer ng offer yung mga bangkero na puntahan naming yung ibang isla.  Oo naman kami ng oo dahil akala namin, P1500 lang. P1500 pala kada isla. Yun lang! Ingat.

CAPONES ISLAND AT FARO DE PUNTA [CAPONES LIGHTHOUSE]

Click picture to enlarge
May masmadaling daan papuntang lighthouse at hindi na ninyo kailangan ang mahabang paglalakbay. Ang problema, matatalas at malalaki ang mga bato papuntang daungan at ayaw ng mga bangkero kasi baka mabutas ang kanilang bangka.  Kung maliit ang inyong bangka, maaring makaya. Mas-maigi, kausapin ninyo muna yung bangkero kung makakaya ng kanilang bangka ang dumaong sa lugar na mas malapit sa lighthouse.  Kung hindi, exciting rin naman ang long trek.

May nagsabi sa amin na kapag high-tide, maaring daungan ng bangka ang mabatong beach at madali ang pagpunta sa lighthouse. Ang problema, kapag hapon na, marami na ang mga tao sa lighthouse at hindi ninyo ma-e-enjoy ang experience sa tuktok ng lighthouse.  Walang nagbabantay kaya hindi na-mo-monitor ang bilang ng tao sa taas ng lighthouse.

  1. Kapag nakakuha na kayo ng bangka, maganda na maaga ang inyong alis.
  2. 600 a.m. dapat nakaalis na kayo.  Mas magandang kayo ang mauna sa lighthouse dahil kapag tangahali na, marami nang dumadating na sosyal. “Oh my God, Derek, look at the lighthouse. It’s so amazing. I swear, does it remind you of the one we saw in Nyenyenyenye?”
  3. Pagdating ng Capones, maaring mag-picnic sa beach at duon na mag-breakfast.  Huwag masyadong maraming dalin at dapat madaling kainin yung pagkain, hindi kailangan ng espesyal na lalagyan at madaling maubos at walang maiiwang basura. Sandwiches, hotdogs, itlog na pula, at mga prutas ang the best.
  4. Kung marami mang daldalhin, tubig, tubig, tubig! Dalhin lang ang mga plastic bottles pauwi. Mainam, may sarili kayong tumbler sa tubig.
  5. Kumain ng maraming saging [bananas!].  Mainam ang saging sapagkat okay siyang source of energy at potassium na kailangan sa hiking. Iwas ang sitsirya o mga naka-plastic na snack [potato chips, etc] kasi sanhi pa iyan ng kalat. Magdala ng plastic para sa inyong kalat at ilagay sa bag para itapon sa basurahan pag balik ng resort. 
  6. MOTHER NATURE ALERT: Maraming nakakalat na gomang sinelas at plastic sa mga batuhan, huwag na po tayong magdagdag ng kalat. 
  7. Hinintay kami ng aming bangkero, pero yung iba ata ay umaalis at binabalikan na lang sa oras na inyong pinagkasunduan.  Importanteng, kausapin ng maiigi ang bangkero para walang mis-understanding.
  8. Maghike papuntang lighthouse.
  9. Madali lang naman sundan ang trail sa lighthouse. Tanungin ang bangkero for more details. 
  10. Sa aming kaso, sinamahan kami ng bangkero paakyat sa lighthouse.
  11. Mahigit kumulang na 1 oras ang trek sa lighthouse, depende sa bilis ng lakad. Payo naming, huwag magmadali. Sabi sa amin ng bangkero, 3 oras daw papunta’t pabalik pero hindi naman ganun katagal.
  12. Mula sa beach na inyong dinaungan, baybayin ang gilid ng beach hangang makarating sa dulo, akyatin ang maliit na mabatong burol at pagdating sa itaas, matatanaw mo na yuong marine outpost. [mukhang sirang building]
  13. Kailangan ninyong mag log-in doon.  Pwede na rin kayong makipag kilala sa mga marino, baka mahilig ka sa baril, mag-dive at putukan.
  14. Matapos mag-log in, magtanong sa officer in charge para makasigurado. Sundan lang ang trail na sasabihin sa inyo. Babayin lang ang mabatong gilid ng isla, iikutin ninyo ang isang bahagi ng isla [mahigit 30 minutes] hangang may makita kayong “arrow,” iyon na ang parteng paakyat sa bundok. 
  15. Mahaba ang lakaran, mabato at delikado.
  16. May mga bahaging kailangan mong umakyat ng mataas na mataas at kailangan mong humawak sa lubid.
  17. May posibilidad na mahulog ka sa bangin kaya ingat. Huwag magmadaling umakyat. 
  18. Siguraduhing matibay ang tinatapakan
  19. Break muna sa kalokohan at magtigil ang mga pasaway at mapagbiro, baka sa kabulastugan mo, madapa ka at mahulog o kaya, matulak mo pang pababa ang iyong mga kasama.  Patay!
  20. Kapag narating mo na ang lighthouse, umakyat papuntang tuktok.
  21. Ingat sapagkat magalaw ang metal spiral stairs. 
  22. Kapag narating mo na ang tuktok ng lighthouse, the rigorous trek is worth it. Picture picture!
  23. Huwag mo ring kalimutang pumunta sa mga ibang parte ng light house. Lalo na yung mga cliffs malapit.
  24. May dalawang high points doon kung saan makikita mo ang buong isla. Sa mga amateur photographers, sayang kung mamamlagi lang kayo sa lighthouse. I-explore ang lugar.
  25. Kapag satisfied na kayo, maari na kayong bumaba. Ingat dahil mas delakado lagi ang pagbaba sa bundok.
  26. Kapag nakabalik na sa beach, maari na kayong magpahinga at mag-swimming. Mabato pero malinis ang tubig.
  27. Kapag nakabalik na kayo sa resort, bigyan ng tip ang mga bangkero kung todo ang alaga sa inyo. Lalo na kung sa resort ang bayaran at hindi kayo diretsang magbabayad sa mga bangkero. Ang tsismis, 50% lang ng bayad ang mapupunta sa mga bangkero.

No comments:

Post a Comment

DISCLAIMER: The other contributing writers and members of this publication and our advertisers do not necessarily share the opinions of the writer of the article above.

Language Levels

Language Levels

TRAVEL VIDEO BLOG

A MOTO TRAVEL SERIES