Part 1: Click Here
PAYO: A day before the trip, mag-courtesy call or text kayo sa may-ari ng resort na tutuluyan nyo para lang mapakita na hindi kayo uurong at baka may pagbabago sa resort o anu pa man, malalaman ninyo kapag nakausap ninyo sila a day in advance.
Sa aming experience, dati nakapag-downpayment na kami sa isang resort, yun pala hindi na-forward ng officer-in-charge yung aming reservation sa head office. Ang nangyari, nabigay nang isang empleyado yung aming room, nuong tumawag kami a day before our trip, nabuking namin sila at pinaglaban namin ang aming reservation, ayun, napunta pa rin sa amin ang room dahil kami naman ang nauna. Yung hindi tumawag in advance, pagdating nila sa resort, sila yung pinagsabihan na iba na daw ang rooms nila dahil nagkaroon ng error sa booking. Ayun, sila ang nakipag-away sa mismong araw ng bakasyon. Bad trip di ba? Kadadating mo pa lang, problema na.
Importante din na may nakatoka kayong laging nagpapadala ng text messages sa may-ari o caretaker ng resort kung paalis na kayo sa bus at kung nakarating na kayo sa bayan. Importante ito kasi para lalabas na handa kayo, may isang salita at binibigyan mo ng pagkakataon maghanda yung may-ari. Hindi naiinip. Huwag naman text ng text Kuya, baka mainis. 2 to 3 text messages lang okay na.