April 5, 2012
KABUANG BUDJEi BAWAT TAO: P2,000
KABUANG BUDJEi BAWAT TAO: P2,000
- P320 – bus fare [Cubao, Quezon City to San Antonio, Zambales]
- P30 – tricycle fare [San Antonio City Hall to Pundaquit beach]
- P350 – overnight stay sa resort [P3,500 sa kuarto na pang 10]
- P350 – contribution sa pagkain [pamalengke at iba pang tsibug]
- P150 – share sa boat rent [P1,500 sa isang isla, Capones Island]
- P30 – tricycle fare [Pundaquit beach to San Antonio City Hall]
- P320 – bus fare [San Antonio, Zambales to Cubao, Quezon City]
- Total: P1,550
Maari mo pang i-round off sa P2,000 para sa ibang extra gastos na personal. Kung magaling ka magplano, maaring hindi lalagpas ng P2,000 ang budget ng isa.
UNANG BAHAGI: RESORT AT BUS TRIP
Una sa lahat, dapat mayroon na kayong na-reserve na resort o tutuluyan. Maraming mga resort sa Pundaquit. Para sa mga budget travelers, depende na sa inyo kung gaano kaimportante ang ganda at husay ng serbisyo. Sa kasamaang palad, wala kaming marerekumenda na mura at maganda ang serbisyo. Okay lang na hindi maganda ang mga pasilidad basta't ayos lang ang presyo o kaya mababait ang staff o kaya ang may-ari. May napuntahan rin naman kami na hindi sosyal ang lugar ngunit mabait at tapat yung may-ari at mga tauhan kaya napaka-ganda rin ng aming karanasan. Nalimutan namin ang iba pang kakulangan. Ngunit, may mga resort na sobrang kumpleto ng pasilidad at mahal pero napaka-pangit ng customer service. Wala kaming marerekumenda sa kasalukuyan na resort, pero iwasan lang ang WildRose Inn dahil sa hindi manganda ang aming naging karanasan duon, pati na rin ang marami pang ibang mga nagpunta duon. Hindi pa kami nakapunta sa CanoeBeach Resort pero maganda ang aming naririnig tungkol sa lugar.
Sa karamihan ng mga maliliit na resort, pumapatak na 3,000 to 4,000 ang overnight rate sa isang room [kasya para sa 10 katao.] Halos pareho din ang check-in at check-out time: mula 12 p.m. o 1 p.m. hanggang 11:00 a.m. o 1 p.m. kinabukasan. Mas mainam na bisitahin ang kanilang web-sites para sa pinakabagong impormasyon dahil minsan ay pabago-bago.
Sa karamihan ng mga maliliit na resort, pumapatak na 3,000 to 4,000 ang overnight rate sa isang room [kasya para sa 10 katao.] Halos pareho din ang check-in at check-out time: mula 12 p.m. o 1 p.m. hanggang 11:00 a.m. o 1 p.m. kinabukasan. Mas mainam na bisitahin ang kanilang web-sites para sa pinakabagong impormasyon dahil minsan ay pabago-bago.
WARNING: Bago maghanda nang kakainin sa resort o kung may plano kayong magluto, alamin muna kung pwede ang mga ito sa inyong tutuluyan, baka may-corkage fee o bawal ang magdala o magluto ng pagkain.
FOR MORE TIPS ON CHOOSING A RESORT, CLICK HERE
Kapag nakapili na kayo ng tutuluyan at handa na ang lahat, oras na para magbiyahe.
PAYO: Subukan nyo rin tanungin ang inyong tutuluyan kung may offer din silang mga pick-up service o anu pa man, baka sing-halaga din ng kabuang tricycle fare ninyo.
MGA HAKBANG
- Pumunta sa Cubao Victory Liner station [nasa Southbound side ng EDSA, malapit sa may 7-11]
- Bumili ng tiket ng bus papuntang San Antonio/Pundaquit Zambales.
- 6:30 ang biyahe pero mabilis maubos ang tiket kaya dapat 5:30 palang may nakatoka nang bumili ng tiket. Kung may super excited sa inyo at hindi makatulog, siya na ang papuntahin ninyo sa Victory Liner ng 3 a.m. at bumili na para sa grupo.
- P320 ang tiket [Aircon bus]
- ALERT: Sundin ang bus at seat number na nakasulat sa inyong tiket. May mga sumasakay na mali ang bus number. Kung may nakaupo na sa seat ninyo, makiusap ka na kung pwede mong makita ang tiket, baka tama ang seat number pero mali naman ang bus number. Experience namin ito. May natulungan pa kaming mga lola na mali pala ang bus number nila. Hindi kaagad nag-che-check ang kunduktor ng Victory Liner, kaya medyo magulo.
- 4 na oras ang byahe. May isang stopover at pwede kayong bumili ng makakain. Iwasan ang mga sandwiches na chicken o tuna kuno, imaginary ang mga tuna at chicken. Mag green pichi-pichi na lang. Walang bayad sa CR, donation lang. Pwedeng mag-yosi.
- Pagdating sa San Antonio: Kung gusto ninyong mamalengke, may palengke sa likod ng City Hall. Halos kumpleto mabibili pang sopas, sinigang o adobo. Hindi primera klase ang lugar, kaya nga palengke Ate. Kung maarte ka, pwes, umuwi ka na. May nagdadaang bus naman papuntang Cubao.
- Sa mahilig sa cake, may branch ng Cindy’s. Masarap ang cake. Baka feeling ninyong mag-celebrate ng birthday kahit hindi naman, gusto lang mag-pa picture picture! Bumili rin ng “Happy Birthday” candles.
- Mag-tricycle papuntang beach, P30 kada tao. Huwang tanungin kung magkano ang tricycle, sabihin “Manong, P30 isang tao, di ba?” Wait for confirmation and begin negotiations. 4 ang sinasakay sa isang tricycle.
- Kung alam na ninyo ang resort, paki-sabi na lang sa tricycle driver.
- Sa kasamaang palad, isang resort pa lang ang aming natuluyan. Nung unang beses, ang ganda ng aming experience. Noong ikalawa, nakakabad-trip dahil sa mga suprising at hidden costs. Anyway, hindi naman ang resort ang importante sa Pundaquit, ang samahan ng magkakaibigan ang importante.
QUEZON CITY- OLONGAPO-SAN ANTONIO/PUNDAQUIT
Kung naubusan kayo ng tiket para sa 6:30 trip, dahil tinanghali ng gising o may hinintay kayong pasaway, pwede kayo mag-Olongapo na lang [7 a.m. ang trip]. Okrayin nyo nalang sa bus ang pasaway na hindi dumating ng tamang oras. Peace! P207 ang tiket papuntang Olongapo [Aircon bus]
Bad news: Pagdating sa Olongapo, unahan ang pagsakay ng bus papuntang San Antonio.
Mas mainam, pagdating sa Olongapo, maghanap ng nagpaparenta ng van papuntang San Antonio/Pundaquit. Madali silang makita kasi lumalapit sa mga pasahero ang mga ahente. Maganda makuha ninyo yung UV Express van. Kasya kahit 15 na tao. P1,500 ang singil sa van at ihahatid kayo mismo sa Pundaquit Beach. Kung 10 kayo, P150 bawat isa. Halos kapareho ng pamasahe sa bus mula Olongapo hangang Pundaquit. Basta alam na ninyo yung papunta sa resort mula San Antonio City Hall. Kung hindi naman, magpapababa na lang kayo sa may City Hall.
SA PAG-UWI
Madali lang ang pag-uwi. Tricycle papuntang bayan. Tanungin ninyo rin ang resort kung pwede sila magpatawag ng tricycle. Sa bayan ng San Antonio, may bus na nagdadaan papuntang Cubao pero madalang. May bus ding papuntang Olongapo. Noong nakapagrenta kami ng UV Express Van sa Olongapo papuntang Pundaquit, hiningi namin yung cell phone number ng driver kung sakaling gusto naming magpasundo mula San Antonio City Hall papuntang Olongapo. Pero, may nagdaan din namang Aircon bus papuntang Cubao, kaya hindi namin kailangan yung van.
No comments:
Post a Comment
DISCLAIMER: The other contributing writers and members of this publication and our advertisers do not necessarily share the opinions of the writer of the article above.