marahil ay masarap
pakinggan
ang taguri sa akin ng
karamihan
lalo na kung sa iyo
mapakikinggan.
Binibining iniibig
sintang pinili mong
makaniig.
Tinitiis ko ang sakit
ang matatalim nilang
titig.
Sa madlang kamalayan,
ako si Bea, ako si
Anne.
Sa paningin ng
kababaihan
isa akong kalaban.
Miniskirt, pulang
lipstick
kurbang
balakang,baywang na nahahapit
katawan ko raw sa iyo
ay langit
apoy na sa iyo ay
liligpit.
Laging ganito ang
nasisilayan
sa telebisyon at
pahayagan
isa akong dagok,
isang kamalasan
sa pamilya'y isang
kasiraan
Ngunit paano kung ang
pag-ibig
ay may ibang iginuhit
Paano kung ang
miniskirt at pulang lipstick
ay suot ng iyong
misis
Paano kung ang
nag-astang Bea at Anne
ay ang iyong ginang
at ang katawang
pinagpapantasyahan
ay nasa kanya ngunit
sa iba'y inilaan?
At akong iyong inibig
sintang namalas ang
'yong sinapit
dumamay sa iyong
sakit
ang siyang umani ng
matalim na mga titig.
Babe, naging bebe
nang kinalaunan.
Iyan ang malambing
kong pangalan
para sa iyo na
ginawan mo ng tahanan
si Honey ay iyong
pinalitan.
Pero sa oras na ikaw
ay umalis
sa bagong lugar ma'y
walang nakababatid
ramdam ko pa rin ang
pang-uusig
sa mga gaya kong
bisyo nilang i-tsismis.
Kung ako lamang
sana'y pupuntahan
ng reporter at
cameraman
ibang imahe ang
kanilang masisilayan
nakadaster na Bea,
nagwawalis na Anne.
Ngunit baka hindi
sila makinig.
Baka bukas makakakita
na ako ng ngiting pilit
at lumalayong mga
kabaranggay, nagpaparinig
mauulinigan ko lang
ang salitang kabit.
Pero kung sa iyo ko
mapakikinggan
na ako'y iyong kerida
ako'y masisiyahan.
Ang babaeng iyong
piniling samahan
sayang at hindi mo
napakasalan.(1) The different spelling of "kerida" is artistic license
* * * * * *
ABOUT
THE AUTHOR
Vea Lovino
is currently an online content writer and part-time entrepreneur. She is 25
years old and a dropout of a university in Quezon City. She is compiling her
poems about love and hopes for future submission in various publications. She
also contributes erotic romance and nonfiction entries in various blogs and
websites.
No comments:
Post a Comment
DISCLAIMER: The other contributing writers and members of this publication and our advertisers do not necessarily share the opinions of the writer of the article above.