The English translation is below this post.
Walang duda, may nabasa
ka na kahit isa lamang pagsusuri tungkol sa pelikula ni Jerrold Tarog na
“Heneral Luna.” Ang pelikula ay usap-usap ng karamihan. May mga ilang mga tao
na pinupuri ang katapangan ng pelikula at ang matagumpay nitong pagtangka na
makuha ang interes ng mga kabataan sa kasaysayan. Sa ibang dako, may iba na
pinupuna ang pelikula sa malambot nitong pagtalakay sa imperyalismong Amerikano
at mga ilang kamalian sa kasaysaysan.
Anuman ang iyong mga
saloobin sa pelikula, hindi kaila na isang napakabubuting anomalya ang
"Heneral Luna" sa larangan ng kasalukuyang pelikulang Pilipino. Ang
"Heneral Luna" ay isang pelikula na bahagyang tumatalakay sa tunay na
kasaysayan o isang bahagyang katha batay sa tunay na kasaysayan. Prinodyus ang
pelikula ng parehong uri ng elitista na kinabibilangan nila Luna, Aguinaldo at
Rizal subalit hindi natin maaaring tahasang pulaan ang katotohanang ito.
Magastos ang paggawa ng pelikula at sino pa mismo ang may pera para pangtustos
sa isang napakalaking pelikula tulad nito, at isugal ang milyong-milyong piso
para sa isang uri ng pelikula na karaniwan ay linalangaw sa takilya.
Kung isasaalang-alang
ang katotohanang ito, hindi maasahan ang isang mas militanteng pelikula kung
ang mga prodyuser ay hindi nanggaling sa uring masa. Ano kaya marahil ang
magiging anyo ng “Heneral Luna” kung sila Lino Brocka, Ishmael Bernal o
sinumang direktor na lumaki sa kahirapan ang nag-direk nito.
Marahil ang tagumpay ng
“Heneral Luna” ay ito ay napapanahon. Malapit na ang eleksyon at karamihan ng
mga botante ay sawang-sawa na sa ating mga pulitiko na walang political will.
Pagod na tayo sa mga ilang miyembro ng oligarka na humahawak ng posisyon sa
pamahalaan kung kayat ang kanilang tanging agenda ay panatiliin ang kanilang
kalagayang pinansyal sa lipunang Pilipino. Pagod na tayo sa mga balimbing na
nagkalat sa ating sistemang pulitikal. Tanging sa ating bansa lamang maaring
akusahan ng isang pulitiko ng katiwalian ang kapwa pulitiko, tapos ay
susuportahan naman ito sa dadating na halalan. Pagod na rin tayo sa ating mga
sarili sa pagiging tamad, makitid ang isip, masyadong nakasentro sa pamilya at masyadong
walang disiplina. Nagrereklamo tayo sa kahit anung bagay subalit wala tayong
pakundangang suwayin ang mga simpleng batas trapiko, pagtapon ng basura kahit
saan o kahit sa pagpila lamang. Pagod na tayo sa ating sarili at sa ating mga
inkompetenteng pulitiko na atin din namang hinahalal. At si Heneral Luna ang
kumakatawan ng lahat ng ating mga pagkasiphayo.
Sa isang banda, ang mga
hiling ng ilang tao para sa pagtakbo sa pagkapangulo ni Eduardo Duterte ay
isang tanda ng ating pagkasiphayo. Ang ilan sa atin ay payag na ihalal ang
isang pulitikong tahasan tinutukan ng baril ang isang turista dahil sa paglabag
sa ordinansa laban sa paninigarilyo para lang magkaroon tayo ng kaayusan sa
lipunan. Mukhang kailangan nating mga Pilipino ang isang tagapagligtas kaysa
sama sama nating iligtas ang isa’t isa.
Oo, si Luna ang ating
pangkasalukuyang simbolo. Kawili-wili sapgakat kahit kabilang si Luna sa uring
elitista, pinakita in Tarog sa pelikula na mas proletaryado si Luna kaysa
elitista. Ang kaniyang poot laban sa gobyerno ay sumasalamin sa poot ng
karaniwang Pilipino. Ang kaniyang pagkasiphayo para sa kapwa Pilipino ay tulad
din ng ating pagkasiphayo.
Ang isang tagpo sa
pelikula kung saan plano ni Luna na kumpiskahin ang tren mula sa isang
Amerikanong opisyal ay kawili-wili. Marunong magsalita si Luna ng Pranses at Kastila subalit hindi siya gaano kabihasa sa Ingles. Sa karamihan ng Pilipino,
Ingles ang wika ng mga elitista at kung kayat ang pagkayamot ni Luna sa
pagsasalita ng wikang banyaga sa sariling bansa ay parang isang alingawngaw sa
karamihang Pilipino. “Nosebleed” ang
karaniwang kumento ng isang Pinoy. Ang tagpo sa tren ay isa sa
pinakanakakatawang bahagi ng pelikula, at, sa aking pananaw, itinaas nito si
Luna sa antas ng masa kaysa sa antas ng mga elitista.
Marami rin napapanahong
one-liners ang pelikula. Dalawang halimbawa ay ang sumusunod: “Para kayong mga
birheng naniniwala sa pag-ibig ng puta” aT “Walang nakakaangat sa batas, kahit
presidente.”
Mahilig tayong mga
Pilipino sa one-liners mula sa ating mga pulitiko kung kayat libu-libong mga
libro ang nabebenta ni Miriam Santiago. Gayunman, tanging ganuon na lamang ang
ilang pulitiko, puros one-liners at walang aksyon.
Sa pagtatapos, ang
“Heneral Luna” ni Jerrold Tarog ay dapat panuorin. Napakahusay ng pagganap ni
John Arcilla at sa wakas ay nakamtan niya ang isang nararapat na
pagkilala. Gayunman, anuman ang iyong
opinyon tungkol sa pelikula, suma tutal, dapat maging interesado sana tayo sa
kasaysayan. Maiintindihan lang nating ang kasalukuyan sa pamamagitan ng
kaalaman sa kasaysayan. Magbasa tayo ng kasaysayan, hindi lamang isang bersyon
subalit iba pa. Alamin ang katotohanan, suriin ang ebindensya at mag-isip para
sa sarili. Ito lang ang tanging paraan para tunay natin igalang ang pamana ni Heneral
Luna.
ENGLISH TRANSLATION
No doubt, you have read
at least one review for Jerrold Tarog’s “Heneral Luna.” The film is the talk of
the town. Some people have praised the film for its boldness and for its
successful attempt to make young people become interested in history. Others,
on the other hand, have criticized the film for being too soft on American
imperialism and for some historical inaccuracies. Whatever your thoughts on the film, one
cannot doubt that “Heneral Luna” is a refreshing anomaly in current Philippine
cinema. “Heneral Luna” is a partly historical film or a partly fictional film
based on historical events.
The film is produced by
the same kind of elites to which Luna, Aguinaldo and Rizal belong, although we
cannot really criticize this fact. Film is expensive so who else has the money
to finance a big-budget movie like this, and risk millions of pesos for a film
that traditionally die at the box office.
Considering this fact, one cannot expect a more militant film if the
producers do not come from the masses. I wonder how “Heneral Luna” would look
like if Lino Brocka, Ishmael Bernal or any film director who spend his
childhood in poverty directed it.
Perhaps the success of
“Heneral Luna” is perfect timing. Election time is just around the corner and
majority of voters are fed up with politicians lacking political will. We are
tired of some members of the oligarchs who occupy government positions so their
only agenda is to secure their financial standing in Philippine society. We are
tired of turncoats who litter our political system. Only in our country can a
politician accuse another politician of corruption and then support the same
politician in the next election. We are also weary of ourselves for being too
lazy, petty, too family-centered and too undisciplined. We complain about
almost everything under the sun but we do not have any hesitation violating
simple traffic rules, throwing trash anywhere or even not falling in line. We
are tired of ourselves and the politicians that we elect, and General Luna
represents all our frustrations.
In some way, the clamor
for Eduardo Duterte to run for president is a sign of our frustrations. Some of
us are willing to elect a politician who would point a gun at a local tourist
for violating a non-smoking ordinance just so we can finally have order. It
seems that we Filipinos need a savior instead of collectively saving ourselves.
Yes, Luna is our current
symbol. Interestingly, although Luna belonged to the elite class, Tarog
presented Luna in the film as more proletariat than elite. His anger toward
government echoes the anger of everyday Filipinos’. His frustrations over other
fellow Filipinos are also our frustrations. The scene when Luna planned to
confiscate the train from an American official is entertaining. Although Luna
could speak French and Spanish, he was not fluent in English. For most Filipinos, English is the language
of the elite and so Luna’s annoyance for having to speak a foreign language in
his own country reverberates to most Filipinos. “Nosebleed” is the common
response. This train scene is one of the funniest moments of the film and that,
I think, elevated the filmic Luna on to the side of the masses than the elite.
The film also boosts with timely one-liners. Two best examples are “You're like virgins who believe the love of a whore” and “No one is above the law, even the president.” We Filipinos love one-liners from our politicians, which is
why Mirriam Santiago sells books by the thousands. However, some politicians
are just that, one-liners and no actions.
In the end, Tarog’s
“Heneral Luna” is a must-see film. John Arcilla’s performance is outstanding
and he is finally getting the recognition that he deserves. However, whatever your opinion on the film
may be, bottom line; the film should get us interested in learning about
history. Only through knowledge of history, we can understand the present. Read
history, not just one version but other versions. Learn the facts, examine the
evidence, and think for ourselves. Only then, we can truly honor General Luna’s
legacy.
No comments:
Post a Comment
DISCLAIMER: The other contributing writers and members of this publication and our advertisers do not necessarily share the opinions of the writer of the article above.