Ang Pagtatapos
Sa tuktok ng burol
Ako ay tumindig
Tanaw ang mga lubak,
Mga piraso ng alaala
Tumingala ako, lumingon, yumuko
“Bakit ako nandito?’ tanong sa sarili
Napapaligiran ng alikabok
Ang mga nilimot na pangarap
Mga salita at pangako
Ay nakalutang sa kawalan
Mga taon na ating binilang
Ngayon ay nakahimlay na..
Wala na..
Wala na akong maramdaman.
Harmonya
Umaawit ang mga katawan
Sa saliw ng musika ng pagmamahalan
Patuloy ang pagtagaktak
Ng katas ng pag-ibig
Kasabay ng mga notang lumalabas sa’yong bibig
Ikaw ay alto
Ako ay baho
Tibok ng mga puso’y
Nasa iisang tempo
Sa gabing ito, sa init ng ritmo
Tiyak na di mawawala sa tamang tono
Sayo
Sa hindi inaasahang
pagkakataon,
Isang pangarap sa tagong
sulok ng aking isipan
Ang nabunyag sa puso at
kamalayan.
Saksi ang mga ilaw sa
gabi
Sa katototohan ng
pag-ibig na sa atin ay nakatanim.
“Mahal kita,” sambit ng
iyong mga labi.
“Mahal din kita,” ang
aking tugon.
Ngayong gabi, isang araw
ang matatapos
Ngunit sigurado ang
pagdating ng bukas.
Patuloy ang paniniwala
at pag-asang
Ang lahat ng ito ay di
lilipas
Sa talim ng iyong tingin,
Sa init ng iyong mga
kamay
At sa paninindigan mo sa
mga
Salitang iyong
binitawan,
Hindi ko maitatanggi,
Ako, ay sayo.
Ako ay nakamasid
Mula sa bintana ng aking
pagkatao,
Inaalala ang mga
sandaling mayroong ‘tayo,’
Sinusubukang hanapin ang
mga pirasong ‘ako,’
Inakala ko na kaya ko,
Naniwala ako na kaya mo
Ngunit sadyang may mga
pangarap na ‘di kayang abutin.
May mga pangakong ‘di
kayang tuparin
At may mga bagay na
hihilingin mong
Sana ay ‘di mo nalang
nalaman
O natutunan.
Tulungan mo ako.
Tulungan mo akong
matutunan,
Na sa pagiisa ay may kalayaan.
Na sa pagiisa ay may kalayaan.
Christian Niel D. Casita is a licensed science educator. He is currently working as a development editor in a publishing company somewhere in the snake-ridden jungle plethora of money-driven slaves of Makati. He finished BSE Biology in Philippine Normal University. His mind is messed up and he is still in search of his own style.
No comments:
Post a Comment
DISCLAIMER: The other contributing writers and members of this publication and our advertisers do not necessarily share the opinions of the writer of the article above.