The English translation is below this post.
Walang duda, may nabasa
ka na kahit isa lamang pagsusuri tungkol sa pelikula ni Jerrold Tarog na
“Heneral Luna.” Ang pelikula ay usap-usap ng karamihan. May mga ilang mga tao
na pinupuri ang katapangan ng pelikula at ang matagumpay nitong pagtangka na
makuha ang interes ng mga kabataan sa kasaysayan. Sa ibang dako, may iba na
pinupuna ang pelikula sa malambot nitong pagtalakay sa imperyalismong Amerikano
at mga ilang kamalian sa kasaysaysan.
Anuman ang iyong mga
saloobin sa pelikula, hindi kaila na isang napakabubuting anomalya ang
"Heneral Luna" sa larangan ng kasalukuyang pelikulang Pilipino. Ang
"Heneral Luna" ay isang pelikula na bahagyang tumatalakay sa tunay na
kasaysayan o isang bahagyang katha batay sa tunay na kasaysayan. Prinodyus ang
pelikula ng parehong uri ng elitista na kinabibilangan nila Luna, Aguinaldo at
Rizal subalit hindi natin maaaring tahasang pulaan ang katotohanang ito.
Magastos ang paggawa ng pelikula at sino pa mismo ang may pera para pangtustos
sa isang napakalaking pelikula tulad nito, at isugal ang milyong-milyong piso
para sa isang uri ng pelikula na karaniwan ay linalangaw sa takilya.