Search This Blog

Showing posts with label Filipino Translation. Show all posts
Showing posts with label Filipino Translation. Show all posts

07 July 2014

What is "Kilig" in English? Ano ang Ingles ng "Kilig?"


What is “kilig” in English?  “Kilig” is not equivalent to giggle because a person who experiences “kilig” does not necessarily giggle. “Kilig” is also not entirely synonymous to shiver because, according to Merriam-Webster’s Learners Dictionary, shiver means “to shake slightly because you are afraid, cold or happy.”  Perhaps the closest translation to “kilig” using the word shiver is the phrase “feel a shiver of delight, pleasure or excitement.” In this phrase, “shiver” is a noun than a verb. 


Example:
“She felt a shiver of delight (pleasure or excitement) when she saw her favorite actor on television.” (Kinilig siya nang nakita ang kaniyang paboritong aktor sa telebisyon.)

01 October 2011

Ano sa Tagalog ang Condom? (What is Condom in Tagalog?)

Babala:
May mga salitang maseselan at maaring hindi angkop sa mga bata

Itinanong sa akin kung ano ang Tagalog ng “condom.” Dili-hindi, maari na ring ituring na Tagalog na ang salitang “condom,” dapatwa’t iba lamang nga ang pagbigkas. Dapat matigas ang punto na parang Tagalog at walang halong pagbigkas na pahumal o “twang” sa wikang Ingles.

Marami nakisalo sa akin sa usaping pang-lingguwistikang ito.  Tulad nang inaasahan, may nagwika na “salungtamod” daw ang Tagalog ng “condom.”  Ngunit sa aking palagay, tila may kawalan ng haraya (o imahinasyon) ata ang salitang iyan. Ginamit na ang salitang “salo” o “salung” sa mga ibang bagay na hinahanapan natin ng katumbas sa Tagalog, tulad ng “salung-pwet” para sa “silya.” At pihado, narinig na ninyo ang may pagkabastos at may pagka-sexist na “salung-suso” para sa “bra.”  Marami na tayong narinig na mga iba pang linikhang salita na nagsisismula sa “salung.” Ayaw ko nang banggitin pa sila sa dahilang may pagkababaw ang antas ng mga salitang iyan.

Language Levels

Language Levels

Click image to go to the post