Hakbang
Ika-17 Nobyembre 2015
Dahan-dahang pagmulat
ng mga matang tanging
ikaw
ang ibig mamasdan.
Dito sa lamig ng damuhan
habang nakahiga sa
pagod,
sa wala na nga bang
kabuluhang paglalakbay,
galing sa kung saan
sa patutunguhang di na
alam.
Dahil sabi mo ng walang
pasintabi na paalis ka
na.
Para kanino pa ba
gagalaw,
huhugot ng hininga,
kikibot ng labi?
Kung sa patuloy na
pagbago ng panahon
ay di ka na makikita,
di na mayayakap nang
biglaan
habang nagkakantahan,
O mahahalikan kahit sa
pisngi lang, kaibigan.
Sana bago ka lumisan
at iwan itong hindi pa
nasisimulan
ay matulungan akong
muling makakilos,
makarinig, makangiti.
Mamutawi sa mga labi
ng walang kurot sa puso
ang pansamantala lang
sanang pamamaalam,
at hindi ang tuluyan nang katapusan
ng paghakbang.
Huling Pagkakataon
ika-22 Oktubre 2015
Ikaw na ang kadalasang gamit na salamin ay kalungkutan.
Ikaw na ang boses ay sinlamig ng di natutunaw na niyebe.
Ikaw na sa bawat galaw ay sari-saring hugis ng anino ang nayayakap,
Ay hindi ko pa iniibig.
Wala
pang puwang ang paborito kong kulay sa iyong mga kasuutan.
Wala pang halaga ang iyong mga ngiti sa bawat nating pagtitinginan.
Wala pang timbang ang iyong mga pagpaparamdam sa aking mga palad
Dahil hindi pa kita sinisinta.
Wala pang halaga ang iyong mga ngiti sa bawat nating pagtitinginan.
Wala pang timbang ang iyong mga pagpaparamdam sa aking mga palad
Dahil hindi pa kita sinisinta.
Isa ka
lang sa maraming kapalitan ng pagkagusto at pag-ayaw ng hilig.
Isa ka lang sa mga natipon na at nadadagdagan pang kaulayaw.
Isa ka lang sa hindi na mabilang at sadyang tinuturing kong kaibigan,
Sadyang kaibigan pa lamang.
Isa ka lang sa mga natipon na at nadadagdagan pang kaulayaw.
Isa ka lang sa hindi na mabilang at sadyang tinuturing kong kaibigan,
Sadyang kaibigan pa lamang.
Marahil
nga, ngayon ay payak pa lamang ang ating pagkakakilanlan.
Siguro nga hindi ko pa naiintindihan nang lubusan ang ating pagkakatugma.
Pero sa iyong bawat ngiti, hagod, at sulyap, sa pagpapatuloy nitong panahon,
Ikaw at ako na rin, sa huling pagkakataon.
Siguro nga hindi ko pa naiintindihan nang lubusan ang ating pagkakatugma.
Pero sa iyong bawat ngiti, hagod, at sulyap, sa pagpapatuloy nitong panahon,
Ikaw at ako na rin, sa huling pagkakataon.
Kaibigan
Ika-8
Setyembre 2015
Sabi
ko, kahawig mo kasi ang isang kaibigan.
Naaalala ko sya sa hugis ng iyong maamong mukha,
At sa mapungay mong mga mata. Nakapagtataka,
Dahil ni minsan ay hindi ako nakaramdam ng ganito sa kanya.
Ang aming pagkakakilanlan ay walang halong kurot pag di siya nakikita
O kiliti pag nakakausap sa hapag kainan.
Walang tingkad ang mga kulay, kislap ang salamin, at kinang ang sinagtala.

Bakit
nga ba sa’yo ay mayroon? Ano ang iyong kaibahan?
Dahil ba ito sa tila kape mong kulay na inihalo nang tama
Sa maligamgam na kondensada at mapusyaw na maskobadong asukal?
Ito ba ay sapagkat di pa kita lubusang kilala?
Oo alam ko kung ano ang trabaho mo, pero di mo pa
Nasasabi ang paborito mong sine o banda,
O kung kumakanta ka rin ba?

Daanin
ko na lang nga sa tula ang aking nadarama.
Bakasakaling matanto mo na kahit tungkol ito sa’yo,
Itong nagbabalik at halos di ko na makilalang kaba,
Tayo man ay maglulunoy sa maalong dagat,
Maglalakbay sa bukirin na punong-puno ng bituin,
O kumain ng paborito mo nga bang sariwang talaba,
Pagkatapos ng lahat, akin ring matatanggap,

Na
katulad nya, tayo ay hanggang magkaibigan lang.
Ikaw
Ika-30
Hulyo 2015
Ikaw na
minsan ay hindi man lang nagtanong
Kung ilang tag-araw ang napapagitnaan natin
Kung ilang tag-araw ang napapagitnaan natin
Ikaw na
nanatili sa aking tabi kahit ilang bayan
Ang naipon at nagsamasama sa ating pagitan
Ang naipon at nagsamasama sa ating pagitan
Ikaw na
maaaring sa pagdating ng kinabukasan
Ay iba ang sasamahang luluhod sa dambana
Ay iba ang sasamahang luluhod sa dambana
Ikaw na
walang sawang bumabati sa araw-araw
Kung ako ba'y kumain at nakauwi na ng bahay
Kung ako ba'y kumain at nakauwi na ng bahay
Ikaw na
nakasalo sa hindi mabilang na pagtumba
Ng sari-saring lakas at timpla ng pagpaparaya
Ng sari-saring lakas at timpla ng pagpaparaya
Ikaw na
ngiti ang sukli sa aking bawat tingin,
Mahigpit na hawak ang balik sa aking mga haplos
Mahigpit na hawak ang balik sa aking mga haplos
Ikaw na
binabalik-balikan sa bawat paglalakbay
Sa bayang ang daloy ng tubig ay walang-hanggan
Sa bayang ang daloy ng tubig ay walang-hanggan
Ikaw na
kasama sa mga pangarap at mga balakin
Laman ng aking puso, hinahanap ng mga yakap.
Laman ng aking puso, hinahanap ng mga yakap.
Ikaw ay
aking mahal.
Ulan
Ika-8
Hulyo 2015
Katulad
ba ang pagpatak ng ulan sa bintanang salamin
Sa pagdausdos ng luha sa mukhang nababalot ng dilim?
Sa pagdausdos ng luha sa mukhang nababalot ng dilim?
Kagaya
ba ang pagbuhos ng ulan sa napabayaang hardin
Sa bigat ng haplos ng lamig sa katawang wala sa'yong piling?
Sa bigat ng haplos ng lamig sa katawang wala sa'yong piling?
Bakit
ang ulan sa salita ay 'sindaming titik ng luha?
Ang katawan ba'y tubig na rin na sa langit ibinaba?
Ang katawan ba'y tubig na rin na sa langit ibinaba?
Leo Ricafort Pura is a
published writer of poems and stories. His works were published in the Philippine Free Press and Liwayway Magazine in the 1990s. He
currently works full time in a consultancy firm in Ortigas and volunteers his
free time with Love Yourself. His
recent poems are mostly personal musings on relationships.
No comments:
Post a Comment
DISCLAIMER: The other contributing writers and members of this publication and our advertisers do not necessarily share the opinions of the writer of the article above.